malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano-ano ang mga Social Insurance deducted to your salary or income?

Jun. 23, 2017 (Fri), 3,686 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



After discussing kung ano ano ang nilalaman ng SYAKAI HOKEN or Social Insurance, now lets discuss kung ano-ano naman ang mga binabawas sa salary ninyo monthly na mga Social Insurance. Before reading this, mas better na kunin ninyo ang inyong Salary Slip para maging guide ninyo sa explanation dito.


Kung makikita ninyo sa salary slip na natatanggap ninyo from your employer, meron 3 major parts ito. Ito ay ang 支給 (SHIKYUU) or Payable Amount, 控除(KOUJO) or Deduction, at 勤怠 (KINTAI) or Working Time. Check nyo ang mga nakasulat na Kanji characters upang malaman ninyo kung saang part ang DEDUCTION.

Since DEDUCTION ng social insurance ang pag-uusapan natin here, take a look on the Deduction part ng inyong Salary Slip. Dito nyo makikita ang amount na kinakaltas sa monthly salary ninyo bilang contribution ninyo sa mga Social Insurance dito sa Japan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod. Please refer it to your salary slip para sa mga kanji characters. Please note na ang actual computation will not be explain here but on the next topic.


健康保険 (KENKOU HOKEN) or HEALTH INSURANCE
Ang amount na nakikita ninyo sa salary slip sa portion na ito ay syang kabayaran ninyo sa monthly health insurance. Kung meron kayong contribution nito, you have a benefit na 30% lamang ang babayaran ninyo sa hospital bill na sakop ng insurance. The remaining 70% naman ay sakop na ng insurance. Ang binabayaran ninyong amount here ay kalahati lamang. The other half ay babayaran naman ng inyong company. One more thing to remember ay same ang amount na ito for the whole year. So check ninyo kung ito ay nagbabago at baka dinadaya kayo ng employer ninyo.


厚生年金 (KOUSEI NENKIN) or EMPLOYEE PENSION
Kung company worker ka, ito ang babayaran mo. Kung self-employed ka ang nenkin sa city hall na KOKUMIN NENKIN HOKEN naman ang dapat mong bayaran. Ang insurance naman na ito ay para sa retirement. Ang binabayaran dito ay kalahati lamang dahil hati kayo ng company din tulad ng health insurance. Ang amount na ito ay hindi rin nagbabago for the whole year. So check ninyo ang inyong salary slip. Kung nagbabago ito monthly, malaki ang possibility na dinadaya rin kayo ng inyong employer.


雇用保険 (KOYOU HOKEN) or EMPLOYMENT INSURANCE
Ang insurance naman na ito ay para sa benefit at support na makukuha ninyo sakalang mawalan kayo ng work temporarily. Ang amount na binabayaran dito ay depende sa type ng inyong company dahil iba-iba sila ng insurance rate charge na ginagamit.


介護保険 (KAIGO HOKEN) or NURSING INSURANCE
Kung kayo ay wala pa sa 40 years old above, wala kayong babayaran nito, at kung ganun, maaaring walang nakasulat sa inyong salary slip at walang deduction. Pag-dating nyo ng 40, saka na kayo mag-start na magbayad nito. Kapag nagbabayad kayo ng insurance na ito, 10 to 20% lamang ang babayaran ninyo sa mga medical institution kapag kayo ay nangailangan ng pag-aalaga nila. Kasabay ng Health Insurance din ang pagbabayad nito.


As a summary, ang binabawas lamang na social insurance sa inyong salary ay ang Health Insurance, Employment Insurance at Nenkin or Pension. Pero pag dating nyo ng age of 40, saka lamang magiging apat ito dahil madadadagdagan ng KAIGO HOKEN or Nursing Insurance.

Meron pang ibang deduction sa inyong salary at ito ay ang 住民税 (JUUMINZEI) or Residence Tax at 所得税 (SYOTOKUZEI) or Income Tax, at ito ay aming ipapaliwanag when we discussed TAX here in Japan. For now deduction lamang sa Social Insurance ang ating pagtutuunan ng pansin.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.