malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Panloloko sa mga online shopping, madalas ring issue ng mga Pinoy sa Japan

Jan. 08, 2017 (Sun), 1,181 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



This is not a scam talaga pero this is another common issue na madalas naming matanggap dito sa Japan mula sa mga naloko ng ilan nating kababayan tungkol sa mga nabili nilang items, na hindi dumating after na mabayaran nila ito sa taong pinagbilhan nila online. Hindi lamang ito, pati na rin yong mga hindi naaayon sa kasunduan nila ng binili nila yong item ay kadalasan ding maririnig sa kanila. Kapag kayo ay naloko ng mga ito, mahihirapan na kayong mahabol pa ang perang naibayad ninyo kaya mag-iingat po ng lubos.


Para lang magkaroon ng kunting kita kahit na nasa bahay, isang malimit na gawin ng ilan nating kababayan ay magbukas ng mga online shop at kanila itong ibibenta lalo na sa Facebook. At kung hindi kayo mag-iingat malaki rin ang possibility na maloko kayo at maging biktima ng ilang scammer dito sa Japan.

Kung gusto ninyong makaiwas sa mga ganitong panloloko, mas mainam pang bumili kayo sa mga store mismo na malapit sa inyo na alam ninyong maaari ninyong maibalik ang nabili ninyo, just in case na meron kayong nakitang sira dito. Kadalasan kasi sa mga online shop ay hindi na ito mahahabol, and for sure, yong perang naibayad na ninyo ay mahirap na ring maibalik.

Bumili lamang kayo sa mga talagang merong pangalan at alam ninyong mapagkakatiwalaan na ninyo at hwag sa mga nakilala nyo lamang sa mga syoukai ng ilang din ninyong kaibigan or kakilala sa net dahil kadalasan ay dito nagkakaroon ng trouble ayon na rin sa mga nanghingi sa amin ng advise dito sa MALAGO.

Maging mapagmasid at tiyakin munang hindi kayo maloloko bago kayo magbitaw ng pera dahil baka pagsisihan nyo rin sa huli ang inyong nabili, na akala nyo ay nakamura kayo subalit yon pala ay naloko na kayo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.