30 DAYS, no visa entry para sa mga Japanese sa Pinas May. 23, 2017 (Tue), 1,230 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga nagtatanong din po kung meron bang NO VISA ENTRY para sa mga Japanese sa Pinas, YES meron pong policy ang Pinas about it, at tulad sa ibang bansa na binigay ng Pinas, 30 DAYS lamang din ang allowed para sa kanila. So kung meron kayong kaibigang Japanese, asawa o anak mang Japanese, they can use it also.
This means na kapag ang purpose ng isang Japanese sa Pinas ay for business and tourism only, maaari syang pumunta at makapasok ng Pinas kahit na walang visa and can stay there for maximum of 30 days only. Ang condition lamang dito ay dapat meron syang hawak na RETURN TICKET at meron validity na more than 6 MONTHS ang passport na hawak nya.
Kapag lalagpas ng 30 DAYS ang need nyang mag-stay sa Pinas, kailangan na nyang pumunta sa Philippine Immigration para mag-apply ng valid visa with respect sa magiging activity nya sa Pinas.
Now, kapag kasama kayong uuwi sa Pinas ng inyong asawa o anak, maaaring makapag-apply kayo ng BALIKBAYAN PROGRAM ng Pinas para sa mga Pinoy kasama ang kanilang mga anak o asawa. This way, maaaring makapag stay ng mahigit 1 YEAR ang inyong asawa o anak na hindi Pinoy ang citizenship.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|