How to apply for your baby Child-Care Allowance? May. 09, 2018 (Wed), 2,164 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
After na ma-secure nyo ang health insurance and infant medical expenses assistance, ang susunod na dapat naman nyong gawin ay mag-apply ng child-care allowance ng inyong bagong silang na baby, na commonly known in Japanese as 児童手当 (JIDOU TEATE).
Ang benefit na ito ay para sa lahat ng bata dito sa Japan bilang tulong ng Japanese government sa bawat family sa kanilang pagpapalaki dito. Ang amount na binibigay dito ay depende sa age ng bata:
15,000 YEN: 0 to 3 years old
10,000 YEN: 3 to grade six elementary student. Kung ang bata ay pangatlong anak or more, magiging 15,000 YEN
10,000 YEN: For Junior High school student
Ang monthly allowance na ito ay binibigay ng local municipality sa guardian ng bata at inihuhulog nila sa bank account every month of February, June and October. Only three times a year at ang laman nito ay 4 months allowance.
IMPORTANT REMINDERS:
1. APPLICATION LIMIT
Application ng allowance na ito ay dapat gawin within 15 days after na maipanganak ang bata.
2. WHERE TO APPLY?
Sa local municipality or city hall kung saan nakaregister ang inyong JUUMINHYOU or Residence Certificate.
3. WHO CAN APPLY?
Anyone in the family. Mostly the one na meron pinakamalaking annual income.
APPLICATION REQUIREMENTS:
1. Application Form
2. Inkan, hanko or seal
3. Kenkou Hoken ng applicant
4. Bank account ng applicant
5. Identification information of application
6. My Number
7. Income Tax Certificate
Ang allowance na ito ay malaki ang maitutulong sa inyong pamumuhay kung kasama nyo dito sa Japan ang inyong anak. Meron mga municipality naman na hindi nagbibigay ng allowance na ito kung ang inyong anak ay hindi ninyo kasama. So be aware on this and confirm it sa city hall.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|