Application & registration to do after giving birth in Japan May. 05, 2018 (Sat), 1,949 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
After discussing about the billing and payment sa inyong panganganak dito sa Japan, lets discuss naman kung ano ang mga dapat ninyong gawin at the time na naipanganak nyo na ang inyong baby.
Ang magiging processing na ito ay depende sa magiging citizenship ng bata. Kung Pinoy pareho ang parents ng bata, there is no reason para maging Japanese citizenship sya kahit na ipinanganak sya dito sa Japan. Since Pinoy ang anak ninyo, sundin nyo dapat ang law sa atin sa Pinas about sa registration ng inyong anak.
Ang mga document na dapat nyong lakarin ay meron limit time or period. So better to do all of it bago matapos ang allowable time para wala kayong maging problem later. Para sa mga mahahalagang bagay na dapat ninyong lakarin para sa inyong anak, here is the summary. We will discuss one by one of it para maintindihan nyo lalo sa susunod naming post.
1. SYUSSEI TODOKE (Birth Registration)
This is the first document na dapat nyong ipasa sa inyong local municipality para sa magiging registration ng inyong anak. You can get the application form sa city hall.
2. KENKOU HOKEN (Health Insurance)
Ang bago nyong panganak na baby ay dapat nyo rin na maipasok sa inyong health insurance na sinasalihan bilang inyong dependent. So you need to apply for it also.
3. NYUUYOUJI IRYOUHI JOSEI (Infant Child Medical Expenses Assistance)
Maliban sa kenkou hoken ninyo na gamit, meron medical expenses assistance program ang Japanese government para inyong magamit in case na magkasakit ang inyong anak. Halos wala kayong babayaran na bill dahil sa assitance na ito kung meron kayong hawak.
4. JIDOU TEATE (Child Care Allowance)
This is the child care allowance naman na dapat tanggapin ng inyong anak monthly mula sa inyong local municipality. So you need to apply for them also.
5. SYUSSAN IKUJI ICHIJIKIN (Lump-sum allowance for childbirth)
Ito ang 42 lapad na welfare assistance ng Japan government. Kung hindi pa nakukuha ito directly ng hospital na inyong pinasukan, you need to apply for it para makuha ninyo ang amount.
6. Report of Birth
Sa mga Pinoy parents ng bata, need ninyong magpasa ng REPORT OF BIRTH sa Philippine Embassy dito sa Japan para meron record na pumasok ang inyong anak sa NSO/PSA. Doing this also ay masi-secure ninyo ang pagiging Filipino citizenship ng inyong anak.
7. Passport Application
Kung clear na ang citizenship ng inyong anak na Pinoy, you can apply for passport ng bata para makapag apply sya ng visa sa Immigration. Sa mga baby na Japanese naman, pwede na kayo mag apply agad at the time na makapag submit kayo ng SYUSSEI TODOKE ng anak ninyo.
8. Visa Application
Kung Pinoy ang inyong anak, it is important na magkaroon sya ng visa. Otherwise, magiging isa syang illegal migrant dito sa Japan. Pwede ninyo ito magawa after na makapag submit kayo ng REPORT OF BIRTH.
So, above are just a a summary of the things you need to submit and apply kapag naipanganak na ninyo ang inyong baby upang maging legal ang kanyang papers and documentation in Japan side and Philippines side kung Pinoy ang bata.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|