Penalty kapag nahuling nagmamaneho under influence of drugs Jul. 23, 2018 (Mon), 872 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang condition sa pagmamaneho here in Japan ay dapat na physically fit ang isang driver. Meron wastong pag-iisip at kinakailangan walang influence ng anoamang chemicals or drugs.
Kapag kayo ay nahuli na nagmamaneho at under unfluence ng anomang drugs here in Japan, merong criminal punishment at administrative punishment na ipapataw sa inyo ayon sa batas nila.
Una, para sa magiging criminal punishment, kayo ay maaaring makulong ng not more than 5 YEARS or pagbayad ng multa na hindi tataas sa 100 lapad. Sa administrative punishment naman, 35 POINTS deduction ang ipapataw sa inyo at maaaring makumpiska ang inyong driver license. At kung kayo ay kukuha ng panibagong license, need ninyong mag-hintay ng 3 YEARS na pagitan bago kayo ulit makapag-apply ng panibagong license.
Ang criminal punishment na binanggit above ay para lamang sa pagmamaneho. Ang kaso na maaaring ipataw sa inyo sa paggamit nyo ng drugs ay iba pa at maaaring mas mabigat pa sa binanggit sa taas. Kung sakaling naka accident pa kayo during driving, mas lalo pang magiging mabigat ang pataw na parusa sa inyo kung kayat makakabuting wag na wag kayong mag-droga dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|