malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


25 Pinoy refugee applicants, huli ng immigration office

Feb. 27, 2018 (Tue), 1,625 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito from JIJI TSUUSHIN, naglabas ng pahayag ang Japan Ministry of Justice today February 27, na nagsagawa ang Tokyo at Nagoya Immigration Office ng sunod-sunod na pag-raid at panghuhuli sa mga suspected fake refugee applicants noong November to December last year 2017, at umabot sa 341 katao ang kanilang nahuli sa operation na kanilang isinagawa. Ang mga nahuli ay sabit sa pagsasagawa ng mga activity dito sa Japan ng walang kaukulang permit na mostly ay nagta-trabaho.


Tatlong babaeng Pinay na nahuli sa Aichi prefecture ay nagtatrabaho sa club bilang hostess at sila ay nag-work ng wala pa 6 months ang nakakalipas after nilang magpasa ng refugee application. Parehong inamin ng tatlo ang charge laban sa kanila at nakauwi na on their own expenses ayon sa news.

Napag-alaman din na out of 341 katao, 94 sa mga ito ay under refugee application. 44 sa mga ito ay Vietnamese, 25 ay mga Pinoy at 11 kato ay mga Indonesian. Ang refugee application ng 80 katao ay kanilang kinansela at hinahanda nila ang deportation ng mga ito ayon sa news. Sinabi rin ng nasabing ministry na ang 341 katao na kanilang nahuli ay mostly mga fake refugee applicants.

Sa mga nahuling Vietnamese na refugee applicants, karamihan sa mga ito ay nakapasok here as a trainee, then tumatakas sa kanilang working post at saka mag-aapply bilang refugee. Sa mga Pinoy na refugee applicants na nahuli naman, karamihan sa mga ito ay nakapasok daw here in Japan bilang mga tourist, then saka nag-apply ng pagiging refugee ayon din sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.