malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


My Number, kailangan na sa pag-open ng bank account

Jan. 04, 2018 (Thu), 944 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ayon sa news na ito, nag-start na this month of January ang pagkuha ng mga bank dito sa Japan ng My Number information para sa mga gagawa ng bagong bank account.

Ang purpose nila sa pagkuha ng information na ito ay upang magamit ng Tax Office in their investigation at para sa bank account preservation in case na malugi or ma close ang isang banko kung saan kayo meron account.


Kung kayo ay pupunta ng banko upang mag open ng panibagong account, hihingin sa inyo ang information na ito, subalit wala naman ding penalty kung ayaw ninyong ibigay. So nasa sa inyo din kung gusto nyong ibigay o hindi.

Ang paggamit ng My Number sa mga bank account ay makakatulong lalo na sa mga tumatanggap ng Seikatsu Hogo (SH) upang malaman kung tumatanggap ba sila nito illegally dahil malalaman kung meron silang ibang work at kinikita. Magagamit din ito kung ang isang mamamayan ay hindi nagbabayad ng tamang tax base sa income na pumasok sa bank account nya.

Starting this January 1, ang mga banko ay hihingin sa inyo ang inyong My Number info hindi lamang sa pag open ng bagong account kundi maging sa pagbago ninyo ng inyong address. Subalit, tulad ng nasabi sa taas, hindi ito sapilitan, so nasa sa inyo na kung inyong ibibigay o hindi. Maaari pa rin kayong makapag open ng bank account kahit na walang My Number ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.