malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Pagbibigay ng Designated Visa sa mga 4th Generation, what does it mean?

Jan. 10, 2018 (Wed), 1,244 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



We want to share here ang mga opinion ng mga Immigration Lawyer here in Japan tungkol sa pagpapasok ng mga 4TH GEN dito sa Japan. Very interesting ang kanilang mga opinion na maaaring maging reference din ninyo.


Una, ayon sa kanila, ang policy and law nito ay maaaring maaprobahan bago magtapos ang March at ang implementation nito ay maaaring maipatupad sa April which is start ng FISCAL YEAR 2018. Gagawin ang public comment this month of January, then a few evaluation on that, at maaaring magkaroon ng ilang adjustment sa ilang policy na naitakda na sa ngayon.

Tungkol naman sa PERIOD ng visa na ibibigay, ginawa nilang 1 YEAR ito and renewable every year upang maiwasan ang pagtakbo or runaway ng mga ito na nangyayari tulad sa mga TRAINEE sa ngayon ayon sa mga Immigration Lawyer. Since pwede silang makuha ng kanilang mga family, o kamag-anak, mas maiiwasan ang pag-runaway nila.

Then, ang 5 YEARS term ay isang condition para madaling makakuha ng TEIJUUSYA (LONG TERM RESIDENCY VISA) ang mga ito kung matatapos nila ang period na ito. At that time, kung maging stable na ang kanilang job, wala na ring problem sa communication in Japanese language, magiging madali na sa kanilang makakuha ng panibagong type ng visa ayon sa mga lawyer. So ang susi dito ay kung gaano kataas ang level ng improvement nila sa kanilang Japanese language communication.

Sa family naman nila, hindi allowed sa kanila na isama ang kanilang mga FAMILY, subalit kung matatapos nila ang 5 YEARS PERIOD na visa, then stable na ang work at maganda na rin ang Japanese communication, maaaring makapag-apply sila ng TEIJUUSYA, at kung maaprobahan, madadala na nila ang kanilang family here in Japan ayon din sa opinion ng mga lawyer.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.