Family or relatives ng 4th Gen, maaaring maging sponsor Dec. 30, 2017 (Sat), 2,228 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is an update news about sa bagong visa policy na ibibigay sa mga 4th generation to legally work here in Japan.
Ayon sa news na ito from Tokyo Shimbun, napag-alaman mula sa Ministry of Justice na ang mga family or relatives ng isang 4th generation na applicant ay pwedeng maging supporter or sponsor sa pag-apply ng visa nila.
Ang magiging flow ng visa application nito ay magiging ganito. Una, ang isang 4th gen na gustong pumunta here in Japan at gustong mag work ay maaaring kausapin ang kanilang family or relatives to help them go here. Then ang family nila ang syang tutulong sa pag-apply ng visa nito sa immigration.
If successfull na makakuha ng visa, ang isang 4th gen ay pupunta here in Japan at maaaring tumira sa kanilang family or kamag-anak. Habang nandito sa Japan, ang family nito or kamag-anak ang tutulong sa pamumuhay nito at maging sa pag-aaral ng Japanese language and culture ng Japan.
Kung walang family or relatives here in Japan, ang mga company or employer na willing to hire the 4th gen applicants ang pwedeng maging sponsor sa pagpunta nila here, kung kayat meron possibility na ito ay sasamantalahin din ng mga abusadong brokers ayon sa news.
Ang nabanggit na mga policy ay mga proposal pa lamang sa ngayon at hindi pa naisasabatas. Maaari itong ma-finalize earlier next year.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|