malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Staying in Japan even for 1 day after expiration of visa is already an overstayer

Dec. 18, 2016 (Sun), 1,230 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Another question na natatanggap namin here in MALAGO is kung anong mangyayari kapag nag-expire ang visa na hawak. Consider na rin bang overstayer ang isang tao kahit na isang araw lang ang nakalipas?


Well, the answer here is YES. It is considered an overstayer already. Kahit na isang minuto pa lang ang nakalipas after na magbago ang date, the holder of that visa that expired already is already an overstayer. Walang tawad-tawad dito, at hindi nila tatanggapin ang pagmamakaawa ninyo. Hindi mo pwedeng sabihin sa immigration na isang araw lang naman ang nakalipas eh.

As long na wala kang hawak na documents given by the immigration that your visa ay under application for extension or for change visa status application, you will be considered as overstayer at pwede na kayong hulihin. Meron ding possibility na hulihin kayo kapag nag-report kayo sa immigration kahit one day pa lang ang nakakalipas. Its a case by case lang po.

Marami rin kasi sa atin here na nakakalimutan ang expiration ng kanilang visa dahil sa sobrang busy sa kanilang work at sa iba pang reason. Madalas na nakakalimutan ay ang visa ng kanilang mga anak. Hindi lamang visa pati na rin ang expiration ng kanilang mga passport. So make sure na natatandaan ninyo kung kelan ang expiration ng mga visa ninyo here in Japan.

Sa mga long term visa holder, kung sakaling malapit na mag-expire ang inyong visa na hawak, make sure na ma-apply nyo na agad ang extension, at least 3 months na lang ang remaining sa visa ninyo para makasugorado kayong hindi kayo magagahol sa oras.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.