malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


What if meron mangyari sa inyo during your visit or tour here in Japan?

Dec. 29, 2018 (Sat), 8,519 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng mga balitang naipo-post namin dito sa MALAGO, dumrami sa ngayon ang mga tourist here in Japan, at maging turista mula sa Pinas na mga kababayan natin ay tumataas ang bilang every month. Hindi kaila na isa sa Japan ang favorite tourist destination ng mga Pinoy.


Ngayong taong 2018, sa pagdami ng mga turistang Pinoy at mga bumibisitang kapamilya natin, dumarami rin ang cases kung saan nagkakaroon ng mga emergency at naisusugod sa hospital ang ilang mga kababayan natin. Some of them ask for assitance here in MALAGO, asking for financial support, kung saan pwedeng lumapit, and this is what we want to share to you.

What if meron mangyari sa pagbisita nyo dito sa Japan? Inatake kayo bigla ng sakit ninyo at naisugod sa hospital? Walang health insurance na hawak, nakapag-stay sa hospital ng matagal, then pag-malala talaga ang sakit ay namatay? Can you imagine kung magkano ang nag-aabang na bill sa inyo na dapat ninyong shoulder? Sa mga tumatayong guarantor ng mga bumibisita dito sa Japan, ito ay inyong responsibility na hindi ninyo matatakasan. So be aware about it.

We want to share here some cases ng kababayan natin na lumapit sa amin asking for advise ng mangyari sa kanila ito. Ang isa sa case na aming natanggap dito ay meron syang nanay na pinapunta nya dito. Meron na itong history ng sakit nya, then noong nandito na ay sinumpong ng sakit nya. Wala sila magawa kundi ang isugod ito sa hospital at ito ay na-confine sa pag-asang gumaling agad. Subalit sa kasamaang palad ang nanay nya ay namatay sa hospital.

Then dumating sa kanila ang hospital bill at sa hindi nila inaasahang amount, umabot ng more than 1,000 lapad ang total. Since walang health insurance ang nanay dito sa Japan, expected na magiging malaki ang bill nyo dito sa Japan dahil 100% na kayo magso-shoulder nito. Now, gusto nilang maiuwi ang bangkay sa Pinas para doon iburol at mailibing, subalit magiging additional expenses na naman ito. So, kung kayo ang nasa situation nila, ano ang gagawin ninyo?

Another case na aming nakita here is nabasa namin sa news. Isang kababayan nating lalaki na nag-tour here in Japan alone. Then sa kasamaang palad ay biglang inatake sya ng kanyang sakit at naisugod din sa hospital. Of course, wala ring health insurance, di marunong mag-nihongo. Lucky for him at gumaling sya subalit ng papalabas na rin sya ng hospital ay naghihintay sa kanya ang malaking hospital bill na dapat nyang bayaran upang makalabas sya.

Since wala syang pera and cannot afford to pay the amount, tumawag ang hospital sa Philippine Embassy na syang namagitan upang makalabas ang kababayan natin. Maaaring binayaran ng Philippine Embassy ang bill, subalit siguradong hinabol nila rin ang lalaki sa Pinas upang don bayaran ang kanyang pagkakautang dahil tax ng bayan ang pinang-sagot nila dito.

So what if sa inyo rin ito mangyari? Remember na pagkayo ay pumunta dito sa Japan bilang tourist or family visit, meron naka-akibat na ganitong cases na maaaring mangyari sa inyo. Sa mga nagiging guarantor, be aware about this dahil isa sa magiging responsibility ninyo ito. Maging aware po lalo na kung ang inyong papupuntahin dito ay meron ng history ng malalang sakit. Baka ang masaya ninyong pagbisita at pag-samasama ninyo dito ay mauwi sa di inaasahang pangyayari tulad ng mga nabanggit na cases. Just sharing.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.