malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


FAMILY STAY VISA extension application requirements

Jan. 28, 2019 (Mon), 2,329 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kasama na ninyo ang inyong asawa at anak dito sa Japan at meron hawak ng FAMILY STAY VISA, sila ay maaaring manatili dito at makasama ninyong manirahan hanggat kayo ay nananatili ring nagtatrabaho dito sa Japan bilang isang Working Visa (WV) holder.


Hanggat valid ang hawak ninyong WV, magiging eligible din ang kanilang paninirahan dito sa Japan. Ang dapat nyo lamang gawin ay mag-apply ng extension ng kanilang hawak na visa sa immigration office na malapit sa inyong lugar.

Ang pag-apply nito ay madali lamang lalo na kung stable ang work ninyo at hindi palipat-lipat ng employer. Ang processing period nito ay aabot ng 2 WEEKS to 1 MONTH ayon sa official website ng Japan immigration. Ang processing charge naman ay 4,000 YEN kung sakaling maaprobahan nila ang application ninyo. Para sa mga kinakailangang documents, ito ay ang mga sumusunod:

1. Family Stay Visa Extension Application Form

2. Picture (Size 4cmx3cm)
Para sa mga anak ninyo na below 16 years old, ang picture ay hindi na kailangan.

3. Passport (To present only).

4. Residence Card (To present only).

5. Marriage Certificate
Bilang patunay ng inyong relationship bilang mag-asawa kung extension ng spouse ang apply ninyo. Kumuha ng MC sa NSO/PSA at kailangang ipa-translate ito.

6. Birth Certificate
Para naman sa proof ng inyong relationship ng anak ninyo kung sila ang apply ng extension. Kumuha ng BC sa NSO/PSA at kailangang ipa-translate ito.

7. Passport and Residence Card copy ng gurantor
Bilang guarantor nila, need ninyong ipasa ang copy ng passport at residence card ninyo.

8. 在職証明書 (ZAISYOKU SYOUMEISYO) Working Certificate
Makukuha nyo sa company or employer ninyo. Need ito para maipakita nyo na presently employed pa rin kayo at the time na nag-apply kayo.

9. 住民税 (JUUMINZEI) Residence Tax Certificate
Makukuha nyo sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Proof of your residence tax payment. Need ninyo ang previous one (1) year payment ninyo.

10. 納税証明書 (NOUZEI SYOUMEISYO) Income Tax Certificate
Makukuha nyo sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Proof of your income tax payment. Need ninyo ang previous one (1) year payment ninyo.
Thats it. Apply nyo lamang sila ng extension kapag wala ng 3 months ang natitira sa expiration ng visa nila. Meron din silang chance na maging permanent visa holder dito sa Japan kung kayo na guarantor nila ay maging permanent na rin. Need lamang na maipakita na lagi nyo silang kasama at ang foundation ng pamumuhay nila ay nandito sa Japan na kasama ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.