malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang Point Return System na kasabay ng 10% consumer tax?

Oct. 08, 2019 (Tue), 748 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Sa pag-umpisa ng 10% consumer tax dito sa Japan noong October 1, isa pang dapat ninyong malaman na ipinatupad ng Japan government maliban sa Reduced Consumption Tax (RCT) ay ang tinatawag nilang ポイント還元制度 (POINTO KANGEN SEIDO) or Point Return System (PRS).


Ang PRS ay isa pang pinatupad nilang batas upang hindi biglang mabigatan ang mga mamimili dito sa Japan sa pagbabayad ng 10% consumer tax. Kung kayo ay mamimili at ang ibabayad ninyo ay credit card, e-money, or anything bastat cashless sya, meron ibabalik sa inyong point na aabot sa maximum na 5% ng ibinayad nyong amount. Kung ang inyong ibabayad ay cash money, walang maibabalik sa inyo.

Kung kayo ay mamimili sa mga small or medium company store or any private store, at ang ibabayad nyo ay cashless, 5% ang ibabalik na point sa inyo. Kung sa mga convenience store naman, or mga restaurant chain lamang, nasa 2% lamang ito. Wala namang maibabalik na point sa inyo kung kayo ay mamimili sa mga malalaking mall or supermarket.

Ang programa nilang ito ay nagsimula noong October 1 at tatagal lamang ng 9 months or until June 30, 2020. After that, tapos ang ang programang ito.

Sinasabi ng iba na isinagawa ito ng Japan government upang mai-promote din nila ang cashless payment system dito sa Japan kung saan marami pa rin ang hindi gumagamit nito at nananatiling cash money pa rin ang ibinibayad ng karamihan.

Mostly, marami kayong makikitang logo tulad ng makikita nyo sa image banner below sa post na ito. Kung makikita nyo ito, ibig sabihin ang store na yon ay capable na magbigay sa inyo ng point kung cashless ang ibabayad nyo sa kanila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.