malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


KOKUMIN KENKOU HOKEN Benefit 1: Pag-shoulder ng medical charge 70% or more

Jul. 27, 2017 (Thu), 1,173 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Matapos nating ma-discuss ang mga basic information about KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance), now lets discuss here kung ano-ano ang mga benefits na maaaring ma-avail dito. Marami ito, so isa-isahin natin. Alamin at intindihin ito at baka magbago ang inyong pananaw sa insurance system na ito.


First, ang pinaka-common na benefit na maaaring ma-avail mo sa insurance system na ito kung kayo ay valid member ay ang medical bill na kanilang babayaran in case na kayo ay ma-hospital or bibili ng mga gamot, at kukuha ng other medical services.

Kung kayo ay member nito, merong card or ID na ibibigay sa inyo at ito lamang ang ipapakita ninyo sa mga medical facility like hospitals. With this, ang babayaran nyo lamang ay nasa 30% below ng kabuuang bill at ang remaining amount ay babayaran ng insurance system sa medical facility kung saan kayo nag-avail ng service.

Ang babayaran mong amount ay depende sa age ninyo. Kung ang beneficiary ninyo ay bata for example na hindi pa pumapasok ng elementary school, 20% lamang ang inyong babayaran. Kung matanda naman na above 70 years old na, nasa 10 to 30% ito. Now kung kayo ay teenager na and below 70 years old, ang part na dapat ninyong bayaran lamang ay 30% din at ang remaining 70% ay sasagutin ng KOKUMIN KENKOU HOKEN. Para sa details nito, maaaring magtanong kayo directly sa inyong local government kung sino ay meron control ng KOKUMIN KENKOU HOKEN sa lugar ninyo.

Maraming mga medical services na sakop ng KOKUMIN KENKOU HOKEN, at marami ding hindi tulad ng mga mamahaling operation. So magtanong muna kayo sa doctor o mga medical staff kung pwedeng magamit ang inyong KOKUMIN KENKOU HOKEN bago kayo mag-avail ng kanilang medical services para maiwasan ang malaking gastusin.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.