Pinabayaang child support ng parent, sasagutin ng Japan government Jan. 27, 2020 (Mon), 970 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Good news sa mga single parent na mga kababayan natin here in Japan kung saan pinabayaan ng kanilang partner na Japanese ang child support ng kanilang anak na nasa kanilang pangangalaga.
As an update sa topic na ito that we posted here in Malago last year, ayon sa news na ito naglabas ng pahayag ang Ministry of Justice last January 23 na bubuo sila ng team of expert na syang gagawa ng guidelines upang pag-aralan kung ano ang magiging system na ipapa-implement para sa temporarily na pag-shoulder ng Japan government sa child support na pinabayaan.
Gagawain nila ito bilang sagot sa nagiging social problem na kasong ito kung saan maraming mga parents ang hindi nagbibigay ng child support sa mga naiwang anak after their divorce kahit na meron pang court order. As of now, umaabot lamang ito sa 24% kung kayat maraming mga single parent ang naghihirap at ang kawawang bata ang nagsa-suffer.
Magiging madali nang habulin ang mga irresponsible na parent na hindi nagbabayad dahil nasa guidelines na ang pagkuha ng information ng mga ito tulad ng kanilang bank account at company information kung saan sila nagtatrabaho. So, wala nang magiging ligtas at makakatakas na mga irresponsible parents. Maaaring kunin din ng government ang kanilang ari-arian kung kinakailangan.
Then sa mga cases na aabutin ng medyo mahabang period, ang Japan government ang temporarily na magso-shoulder ng child support na ibibigay sa single parent habang kanilang hinahabol ang parent na hindi nagbabayad ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|