malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang tinatawag na SYAKAI HOKEN dito sa Japan (Part 1)?

Jun. 20, 2017 (Tue), 7,848 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Ang SYAKAI HOKEN which is equivalent for SOCIAL INSURANCE sa English ay isang Social Security System ng Japan na ang layunin ay ma-secure ang pamumuhay ng bawat mamamayan na naninirahan dito. Ito ay isang public security system run by Japan government, na iba sa mga private security system operated by a certain private company.


Madaling maging isang subscriber or member ng SYAKAI HOKEN na ito at kahit sino ay pwedeng maging member. Kapag pasok sya sa ilang condition at valid member na, kinakailangan nyang bayaran ang monthly charge or contribution dito upang ma-avail ang mga benefits.

Meron dalawang definition ang SYAKAI HOKEN depende sa coverage nito. Meron itong short definition at wider definition. Lets talk first here the short definition or coverage ng SYAKAI HOKEN.

Ang common na naririnig ninyong SYAKAI HOKEN ay binubuo ng IRYOU HOKEN (Medical Insurance), NENKIN HOKEN (National Pension) at KAIGO HOKEN (Nursing Insurance). So kapag narinig ninyo ang word na SYAKAI HOKEN, mostly ito ay binubuo ng mga INSURANCE na nabanggit sa taas.


Ang IRYOU HOKEN (Medical Insurance) ay isang insurance na syang makakatulong sa mga mamamayan kung sila ay nagkasakit, nadisgrasya, nanganak, at namatay. Ang mga member nito ay maaaring makakuha ng benefit sa insurance na ito. Kung kayo ay nagtatrabaho sa mga company, KENKOU HOKEN (Health Insurance) ang maaaring salihan ninyo. Kung kayo ay self-employed naman at mga part time worker, ang KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance) sa city hall ang pwede naman ninyong salihan.


Ang NENKIN HOKEN (National Pension) naman ay isang insurance system kung saan nagbibigay ito ng support sa mga retiree bilang support sa kanilang pamumuhay pagtanda nila. Kung kayo ay nagtatrabaho sa isang company, KOUSEI NENKIN (Employee Pension) ang pwede ninyong salihan. Kung self-employed naman at mga part time worker, maaaring ang KOKUMIN NENKIN (National Pension Insurance) ang pwede naman ninyong salihan.


Ang KAIGO HOKEN (Nursing Insurance) naman ay isang insurance system na nagbibigay ng support sa mga taong mangangailangan ng pag-aalaga sa kanilang pagtanda. Ang membership dito ay pagdating ninyo ng 40 years old. Meaning, you need to start paying this pag kayo ay umabot na ng 40 years old. Ito ang maaaring gamitin ninyong insurance in case na papasok kayo sa mga medical facility, ROUJIN HOME at kung ano pa kung saan kayo ay aalagaan.


So this is the short definition and coverage ng SYAKAI HOKEN dito sa Japan. Ating tandaan po na ang SYAKAI HOKEN means SOCIAL INSURANCE at ito ay binubuo ng IRYOU HOKEN (Medical Insurance), NENKIN HOKEN (National Pension) at KAIGO HOKEN (Nursing Insurance). Next time, tatalakayin po natin ang wider definition and coverage nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.