Working Agreement: Overtime, holiday, midnight work extra charge May. 05, 2019 (Sun), 2,494 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Maliban sa inyong basic salary, ang mga rate na ibibigay ng inyong employer or company on your overtime, holiday work, midnight work at iba pa ay dapat nyo ring confirm sa inyong Working Agreement (WA) bago ninyo ito pirmahan upang alam nyo na mababayaran kayo ng tama.
Dito sa Japan, base sa kanilang labor law, meron nakatakdang batas para dito kung magkano dapat ang ibayad sa isang worker kung sya ay magtatrabaho ng more than sa standard working time na itinakda rin ng batas. Dapat ninyong malaman ito upang ma-compute nyo rin kung tama ba ang binbayad nila sa inyo sa monthly salary ninyo. Ito ang mga sumusunod na rate:
1) Overtime extra charge
Una, sa overtime work ninyo kung saan mag work kayo after working its standard working time na 8 hours, which is mostly from 18:00 to 22:00PM, ang extra charge para dito ay plus 25% or more. So kung pinapasahod kayo ng 1000 YEN per hour at nag work kayo overtime, dapat na maging 1,250 YEN ito.
2) Holiday working charge
Kung kayo ay pinag-trabaho during your rest day, during weekend or consider na national holiday, meron karagdagang charge din ito at ito ay umaabot sa 35% above. Ang working time nito ay from 9AM to 22:00PM.
3) Midnight working charge
Kapag ang working time mo sa inyong company ay from 22:00PM to 05:00AM, ito ay consider na midnight work shift at meron extra charge dito. Sa batas nila, meron extra 25% na compensation na dapat ibayad sa inyo.
4) Overtime plus midnight work charge
During your regular working hour at nag-overtime kayo, then dimiresto ng midnight work shift from 22:00PM to 05:00AM, ang extra charge dito ay umaabot ng 50%.
5) Holiday plus midnight work charge
Kung kayo naman ay pinagtrabaho ng weekend or during national holiday at ito ay midnight shift pa, ang extra charge na dapat bayaran ng employer nyo ay aabot ng plus 60% dapat.
6) Holiday overtime work charge
Ang overtime charge naman for overtime work during weekend or holiday ay umaabot sa 35% naman.
Sa mga part time workers or arubaito, alamin nyo mismo ang mga ito dahil malaki ang magiging epekto nito sa inyong sasahurin dahil sa per hour ang salary ninyo. Alamin nyo kung ilang oras ang standard working time nyo na nakasulat sa WA, at kung kelan ang weekend or holiday ninyo base sa working calendar ng company. That way, malalaman nyo agad kung magkano ang sasahurin nyo na additional kapag pinagtrabaho kayo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|