malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Penalty kapag nahuling nagmamaneho without driving license

Sep. 10, 2018 (Mon), 2,294 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Driving here in Japan need a legal and valid license. So hwag nyong subukan na magmaneho ng wala kayong license lalo na kung kayo ay tatakbo sa mga national road.


Ang definition ng Driving Without License dito sa Japan ay pagmamaneho ng mga sasakyan, maging mga motor bike ng walang kaukulang valid driving license. Kasama dito ang mga meron license subalit ito ay nakumpiska, hindi na valid or expired na ang validity period nito. Ang pagmamaneho rin ng sasakyan na hindi sakop sa driving license ninyo ay kasama din ng violation na ito.

Meron kaukulang penalty na ipapataw sa inyo kung sakaling mahuli kayo sa charge na ito. Para sa magiging criminal punishment, kayo ay maaaring makulong ng not more than 3 YEARS or pagbayad ng multa na hindi tataas sa 50 lapad.

Hindi lamang ang driver, kundi ang mga taong involve sa pagmamaneho nya ay maaaring mahuli rin dahil sa nabago na ang rules dito simula noong year 2013. Ayon sa karagdagang regulation, kung meron taong nag-utos sa taong magmaneho ng walang driver license, o meron syang kasama sa sasakyan at alam na walang driving license ito, o kapag ang isang tao ay nagpahiram ng car sa kanya, sila ay maaaring mahuli rin at mapatawan ng parusa.

Ayon sa ilang legal office website, kung first violation lamang ninyo, maaaring bayaran nyo lamang ang penalty na nararapat na umaabot sa 20 lapad. Subalit kung meron na kayong previous record ng same violation, maaaring makulong kayo sa presinto.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.