How to apply for SYUSSAN TEATEKIN (BENEFIT FOR CHILD DELIVERY)? Apr. 23, 2018 (Mon), 2,529 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga working mother na manganganak, basically during your MATERNITY LEAVE, since di ka makakapag work sa company nyo, wala ring babayarang salary ang company sa inyo. Meaning, you have a zero income mula sa inyong company. So, dito papasok ang benefit na ito na tinatawag na SYUSSAN TEATEKIN (BENEFIT FOR CHILD DELIVERY) na makakatulong sa inyo.
Ang mga sumusunod ang mga mahahalagang information na dapat ninyong malaman sa pag-apply nito:
SAAN PWEDENG MAG-APPLY NITO?
Ang benefit na ito ay babayaran ng KENKOU HOKEN na inyong sinasalihan sa company. So kung hindi kayo member ng isang KENKOU HOKEN or wala kayong binabayaran na contribution, wala rin kayong rights na makakuha nito. Sa mga DEPENDENTS ng kanilang asawa, at ang kanilang asawa ang nagbabayad ng kanilang contribution, di rin po kayo pwedeng mag apply nito. Ang meron lang karapatan ay ang mga nagbabayad mismo personally.
Sa pag-apply ninyo ng SANKYUU or MATERNITY LEAVE sa company, you need to apply this also at the same time para maging clear po sa inyo ang mga need din na papers. Ask your company HR tungkol sa detalye nito.
Ang benefit na ito ay ina-apply sa mga HEALTH INSURANCE subalit mamamagitan ang inyong company dahil sila ang dapat mag process nito at sa kanila nyo lang din ipapasa ang mga kailangang documents. In case na nagbabayad kyo ng KENKOU HOKEN sa kaisya ninyo subalit hindi sila nag-aayos ng benefit na ito, kailangan na kayo personally ang mag-apply sa KENKOU HOKEN directly.
GAANO KATAGAL ANG PERIOD NA SAKOP NG BENEFIT NA ITO?
Ang benefit na ibabayad nila sa inyo dito ay base sa MATERNITY LEAVE PERIOD NINYO. Mostly ang total cover nito ay nasa average of 98 DAYS. 42 DAYS bago kayo manganak at 56 DAYS after naman ninyong manganak. Magbabago ito kung ang inyong baby na ipapanganak ay kambal or more pa.
MAGKANO ANG MATATANGGAP SA BENEFIT NA ITO?
Ang benefit na matatanggap nyo dito ay hindi equal sa salary na tinatanggap ninyo bago kayo kumuha ng maternity leave. In general, ang matatanggap nyong benefit daily ay nasa almost 2/3 ng daily salary nyo before. Then they will multiply this amount sa TOTAL DAYS ng maternity leave ninyo at ito ang magiging total ng benefits na inyong makakukuha.
KELAN MAAARING MATANGGAP ANG BENEFIT NA ITO?
Ang patanggap ng benefit na ito ay base sa rule din ng inyong company, meron nakukuha ng buo agad, at meron namang hinahati ito sa bago manganak at pagkatapos manganak. So confirm nyo sa company ninyo kung kelan ito lalabas at ano ang rule nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|