Important Things to Know About Japanese Spouse Visa (JSV) Apr. 25, 2017 (Tue), 1,687 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay ikinasal sa inyong Japanese partner, babae man ito or lalaki, maaari kayong makapag-apply ng Japanese Spouse Visa. Ang JSV ay walang limitation pagdating sa trabaho, at ang pag-apply ng Permanent Visa sa mga holder nito ay lalong pinaluwag, kung kayat malaki ang advantage nito kung kayo ay meron JSV.
Sa pagkuha ng JSV, meron tatlong importanteng bagay na pinagbabasehan ang Immigration. Dito sila magbabase kung dapat kayong bigyan ng JSV or i-deny ang inyong application. Ipapaliwanag namin ang mga ito ng simple lamang upang madali ninyong maintindihan. Ang tatlong points na ito ay ang mga sumusunod:
(1) Meron katotohanan ang pagsasama bilang mag-asawa
(2) Meron sapat na financial ang guarantor upang manirahang magkasama sa Japan
(3) Meron legal proof na totoo ang kasal
MERON KATOTOHANAN ANG PAGSASAMA BILANG MAG-ASAWA
Tulad ng explanation sa taas, ang JSV ay maraming advantage kung kayat marami ang gustong mag-apply nito kahit na walang katotohanan ang pagsasama bilang mag-asawa. Kung kayat marami rin ang nadi-deny at ang primary reason ay ang doubt ng immigration na IMITATION MARRIAGE ang pagsasama. Ang mga primary reasons kung saan nakikita ng Immigration na IMITATION MARRIAGE ang kasal ng mag-asawa ay ang sumusunod:
(1) Sobrang ikli ng kanilang pagsasama bilang mag-kasintahan bago magpakasal
(2) Hindi halos magkakilala sa isat-isa bago magpakasal
Upang mapatunayan na hindi IMITATION MARRIAGE ang inyong kasal at ang inyong pagsasama ay talagang tunay na mag-asawa, kailangan ipakita ninyo sa inyong story mula sa kayo ay nagkakilala hanggang sa kayo ay ikasal ang buong detalye nito at samahan ng mga pictures bilang proof.
MERON SAPAT NA FINANCIAL CAPABILITY
Kahit na kayo ay magpakasal subalit wala namang sapat na pera or financial capability ang inyong partner, hindi nyo kayang manirahan dito sa Japan. Para maipakita ninyong meron sapat na financial kayo at enough ito para manirahan dito sa Japan, kinakailangang magpasa kayo ng Working Certificate at proof of your income for the past 1 year kasama na ang mga taxes na binabayaran.
MERON SAPAT NA PATUNAY NA LEGALLY DONE ANG KASAL
Kung kayo ay magpapakasal sa isang Japanese, meron mga documents na dapat process sa Philipines side at Japan side at need ang mga documents na ito as a proof ng marriage ninyo. Kung wala rin ito, it will be impossible na makapag-apply kayo ng JSV.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|