malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Bakit hindi nabibigyan ng Long Term Visa ang mga parents at kapatid ng Immigration?

Jan. 09, 2017 (Mon), 2,384 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



This is another common inquiry na natatanggap namin here in MALAGO, ang mga tanong kung paano daw ang gagawin para makakuha ng long term visa ang kanilang mga parents, kapatid at mga kamag-anak. Ang sagot here is hindi po pwede at hindi nyo po sila makukunan ng long term visa, at ang maaaring maibigay nyo lamang sa kanila ay FAMILY VISIT VISA na limited lamang sa 3 months, and another 3 months extension if you get lucky na maaprobahan.


Ang reason here ay ang pagkakaiba ng definition ng FAMILY sa atin sa Pinas at dito sa Japan. Sa atin sa Pinas, kapag sinabing family, common lang sa atin na maging ang ating mga parents at mga kapatid at ilang kamag-anak ay maging dependent natin. At matatawag nating family, kaya naiisip natin na dapat eh pwede natin silang makuha at mapatira here in Japan bilang tayo ang tatayong guarantor na ninirahan dito sa Japan.

Subalit sa definition ng Japan Immigration Law, ang family or dependents ng isang naninirahan na foreigner here in Japan ay limited lamang sa kanyang asawa at mga anak. This is almost the same sa family structure ng mga Japanese. Mostly ang mga Japanese kasi, pag hindi na minor age, meron na itong kakayang mamuhay dapat sa kanyang sariling mga paa at hindi na umaasa sa kanyang mga parents. At ang kanyang mga parents or mga kapatid ay kadalasang hindi nya nagiging dependent. So ito ang sinasabing naging basehan ng kanilang Immigration law when it comes to dependent family.

Back a decade ago, I tried to apply for my mothers COE (Certificate of Eligibility) para ma-apply ko sya ng long term visa sa Pinas bilang dependent ko at makasama kung manirahan here in Japan ng matagal. Hindi tinanggap ng Immigration personnel ang application ko, at ang reason nga nila ay hindi pwedeng maging immediate dependent ang isang parents or kapatid. At ang pwede lang mai-apply ay ang asawa at anak ng isang applicant. I tried to explain may reason na dependent ko naman sila, pero hindi talaga nila tinanggap dahil iba ang definition nga ng dependent sa Immigration Law at ito ay limited lang sa asawa at mga anak. This is also the reason kung bakit yong asawa lang at mga anak ang nabibigyan ng long term visa or KAZOKU TAIZAI na 6 months or more.

So kung gusto ninyong papuntahin here ang parents, kapatid at ilan ninyong kamag-anak, there is no way na mabigyan nyo sila ng long term visa. FAMILY VISIT VISA lang na limited to at least 3 months ang maabibigay ninyo sa kanila bilang kanilang guarantor kung kayat wag na kayong magpumilit.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.