Working Agreement: Work leave with pay (Yuukyuu Kyuuka) Feb. 26, 2019 (Tue), 4,683 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Next item na dapat nyong check sa inyong Working Agreement (WA) ay kung meron silang ibibigay na WORK LEAVE sa inyo bilang worker nila. Ito ay tinatawag na 有給休暇 (YUUKYUU KYUUKA) sa Nihongo or Work Leave With Pay. Dito sa Japan, ano man ang employment status mo, regular, part time, arubaito, contract employee o ano pa man, nakasaad sa labor law na dapat bigyan ng work leave ang isang worker dahil karapatan nila ito. Ito ay nakasaad sa Labor Law Section 39 ng Japan.
Mostly, ito ay binibigay ng mga company sa isang worker after na makapag work sila sa company ng 6 months. Meaning, kung bago kayo sa isang company, magkakaroon lang kayo ng work leave matapos na makapag trabaho sa kanila ng anim na buwan. Ang initial na ibibigay nila ay 10 DAYS.
Then, as you stayed working in a company, yearly, madadagdagan ito ng 1 DAY. Ang maximum na makukuha mong work leave sa isang company ay 20 DAYS lamang. Makukuha or maibibigay sa iyo ito after working for 6 or more years sa isang company.
Ang work leave dito sa Japan ay hindi convertible sa CASH. So you need to use it all bago ito mawala. Ang isang company ay hindi pwedeng ipagbawal ang paggamit nyo ng work leave anoman ang gawin nyong dahilan. Maaari lamang nilang hindi aprobahan ang inyong application kung kinakailangan talaga at busy ang company at nangangailangan ng manpower.
Ang work leave ay pwede nyo ring kunin ng kalahating araw lamang. Pwedeng half-day this week, then half-day naman next week. Ang magiging count non ay 1 DAY pa rin. Ang pwede mong maipon na work leave ay hanggang two years lamang. Kapag hindi mo nagamit ito, automatic na mawawala sa inyo at hindi ito babayaran ng employer or company ninyo.
In case na magri-resign ka na sa company at meron ka pang work leave na natitira, you can use it all at dapat nilang bayaran din yon bilang common working days mo sa kanila.
Ang isang company or employer na hindi nagbibigay ng WORK LEAVE WITH PAY ay pwedeng makasuhan dahil violation ito ng labor law. Ang paggamit ng work leave ay kinakailangang meron approval ng inyong immediate superior at hindi nyo pwedeng gamitin ito ng walang approval or paalam mula sa kanila beforehand. So be sure na mag-apply muna bago nyo gamitin ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|