Paano ang computation ng KENKOU HOKEN na binabawas sa salary dito sa Japan? Jul. 03, 2017 (Mon), 1,566 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
For the continuation of our discussion about sa SYAKAI HOKEN, lets discuss now kung paano ang computation sa KENKOU HOKEN na binabawas sa ating salary monthly automatically para meron kayong idea kung tama ba ang amount na binabawas.
Bago natin discuss ang computation dito, be reminded lamang po sa mga important points about sa KENKOU HOKEN na binabayaran natin.
(1) Kung working kayo sa isang company, maging arubaito or hakken gaisya man, binabawas ang ating contribution sa KENKOU HOKEN sa salary na natatanggap monthly.
(2) Ang binabayarang contribution sa KENKOU HOKEN ay hati ang company at ang employee mismo. So meaning, ang binabayaran nyo or binabawas sa inyong salary ay kalahati lamang dapat. Halos same amount ang babayaran nyo na ito monthly for the whole year at hindi dapat pabago bago lagi.
(3) Kung kayo ay tumatanggap ng bonus, iba pa ang computation dito at ito ay binabawasan din ng KENKOU HOKEN charge.
Now, lets go to the actual computation ng KENKOU HOKEN charge dito sa Japan. Sa pag-compute nito, meron dalawang parameters na ginagamit. Ito ay ang 標準報酬月額 HYOUJUN HOUSYOU GETSUGAKU (STANDARD MONTHLY SALARY) at 保険料率 HOKENRYOURITSU (INSURANCE CHARGE RATE)
Ang STANDARD MONTHLY SALARY ay kinukuha sa actual salary ng bawat employee here in Japan. Ginagamit ang actual salary ng isang employee every APRIL, MAY at JUNE para makuha ang value nito. So for example, kung ang salary ninyo noong nakaraang APRIL ay 19 lapad, then MAY is 20 lapad, and JUNE ay 21 lapad, ang magiging AVEGARE MONTHLY SALARY ninyo ay 200,000 YEN. Next, gagamitin ang amount na ito para malaman kung saang salary bracket kayo nakapasok na meron kaukulang value ng STANDARD MONTHLY SALARY or LEVEL. Ito ang gagamitin na actual amount sa pag-compute ng inyong KENKOU HOKEN charge for one whole year.
The next parameter naman ay ang INSURANCE CHARGE RATE. Ang amount na ito ay kontrolado ng mga company or government agency depende sa sinalihan ninyong KENKOU HOKEN company. Binabago nila sometimes ito or maybe once a year, then pinapadala sa mga company na kasali or member ng isang KENKOU HOKEN organization. So wala na kayong gagawin dito kundi tanungin sa inyong HR kung ano ang amount na ito, para ma-compute ninyo on your own ang inyong binabayarang KENKOU HOKEN.
The actual formula para ma-compute ninyo ang inyong KENKOU HOKEN charge ay ang formula below.
KENKOU HOKEN CHARGE = STANDARD SALARY * INSURANCE CHARGE RATE
Para maging malinaw ang lahat, lets do a sample computation. For example, and AVERAGE MONTHLY SALARY ninyo for last APRIL, MAY and JUNE is 183,000 YEN. Lets compute kung magkano mahigit ang amount na babayaran ninyo sa KENKOU HOKEN ninyo.
By looking at the table, ang mga value na makukuha na kailangan sa computation ay ang mga sumusunod:
Level: 15
Standard Salary: 180,000 YEN
Average Salary Bracket: 17,500 to 185,000
Insurance Charge Rate = 9.96%
Base on the value above, ang magiging KENKOU HOKEN CHARGE na inyong babayaran ay [17,928 YEN]. From this value, hahatiin ito. So ang magiging amount na lang ay [8,964 YEN] at ito ang amount na babayaran nyo lamang.
KENKOU HOKEN CHARGE = STANDARD SALARY * INSURANCE CHARGE RATE
KENKOU HOKEN CHARGE = 180,000 * 0.0996 = 17,928 YEN
I hope that this simple computation helps you para maintindihan ninyo ang computation ng inyong KENKOU HOKEN na binabawas sa inyong salary. Kung meron kayong katanungan, mas better na magtanong kayo sa HR ng company ninyo para sa detalye.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|