4th Gen visa policy requirements, maaaring baguhin Aug. 11, 2019 (Sun), 853 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from Jiji Tsuushin, maaaring baguhin ng Japan Immigration Service Agency ang kanilang policy sa requirements para sa 4th generation visa application dahil sa mababang bilang ng nag-aapply nito.
Ayon sa data na kanilang nilabas, mula ng inumpisahan nila ang 4th gen visa policy noong July 2018, 43 katao lamang ang nabigyan nila ng nasabing visa matapos ang 1 year na implementation. Ang bilang na ito ay malayo sa goal nilang 4,000 slot every year.
Dahil sa result na ito, pinag-aaralan nila sa ngayon kung anong pagbabago ang maaaring gawin lalo na sa requirements na Japanese skill ng isang applicant nito. Maaaring luwagan nila ang ilang nasabing requirements para madaling makapag-apply at makapasok ang mga 4th gen dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|