malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Caesarian operation sakop ng kenkou hoken (health insurance)

Apr. 29, 2018 (Sun), 2,110 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng nasabi na namin here, kapag ang panganganak ninyo ay naging normal delivery lamang dito sa Japan, ang bayarin dito ay hindi sakop ng inyong health insurance, at need ninyong bayaran ito personally. Subalit dahil sa benefit naman na nakukuha sa SYUSSAN ICHIJIKIN, mostly maka-cover nito ang bayarin.


Now, kapag ang inyong panganganak ay naging delicate at hindi nakaya sa normal delivery at nagkaroon ng operation na dapat gawin tulad ng caesarian operation, ito ay magiging sakop ng inyong health insurance. At ang inyong babayaran lamang ay 30% ng total bill.

Sinasabing ang bayarin sa normal caesarian operation here in Japan ay nasa bracket na 40 to 100 lapad. Magiging malaking amount ito kahit na kanino kung wala kayong health insurance na hinahawakan. Now, ang bayarin naman sa pag-stay sa hospital tulad ng room at pagkain ay hindi sakop ng kenkou hoken, at need ninyong bayaran ito personally rin. Dahil dito lalong lalaki ang inyong magiging bill kung magtatagal din kayo sa loob ng hospital.

Sa mga meron healh insurance mula sa mga private company na kinunan ninyo, be aware about sa magiging cover ng inyong insurance at kung ano ang magiging benefit ninyo in case na maging caesarian operation din ang inyong daanan sa panganganak. Confirm ninong mabuti sa health insurance company ninyo bago kayo manganak para clear ang lahat.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.