malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Sundin ang batas ng Pinas kahit na PR sa Japan kung Pinoy ang citizenship

Dec. 10, 2016 (Sat), 1,357 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



It seems na meron sa ating mga kababayan here na ang pakiramdam nila ay Japanese na sila kapag nakatira na here ng matagal kaya ang akala nila ay batas na rin ng Japan ang dapat nilang sundin kahit na Pinoy pa rin ang citizenship nila.


Isa sa madalas namin matanggap na soudan (consultation) here ay tungkol sa divorce. Pareho silang mag-asawang Pinoy at gusto nilang maghiwalay na at magpasa ng RIKON TODOKE sa city hall kung saan sila nakatira here in Japan. Its a common sense lang, the answer here is not possible, since pareho silang Pinoy, di po nila magagawang mag-divorce here in Japan.

Kung kayo po ay parehong Pinoy na mag-asawa at gustong maghiwalay na, you need to follow the Civil Law po ng Philippines at hindi po ng Japan. At higit sa lahat, wala pa pong Divorce Law sa atin. Meron lang po ay annulment. So its not possible na makapag-divorce kayo here in Japan. That law of divorce ay para lang po sa mga Japanese ang citizenship. So kung kayo ay parehong Pinoy, its not possible.

Not only divorce, but also sa magiging citizenship ng anak ng isang mag-asawang Pinoy na pinanganak here in Japan. Meron ilan sa ating kababayan na ang akala ay magiging Japanese na ang citizenship ng kanilang anak. Well its not possible also dahil ang Japan ay hindi katulad sa America na ang citizenship ng bagong silang na bata ay binabase sa location kung saan pinanganak ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.