Pinoy, number two sa dami ng refugee applicants Sep. 05, 2018 (Wed), 808 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa data na nilabas ng immigration tungkol sa bilang ng mga refugee applicants dito sa Japan for the first half of year 2018 (Jan. to June), lumabas na pumapangalawa sa dami ng bilang ang mga Pinoy kasunod ng Nepal na nasa top one sa ngayon.
Ang mga Pinoy na nag-apply ng refugee for the first half of year 2018 ay umabot sa 783 katao. 56% ang ibinaba nito compare last year 2017 na meron bilang na 1,770 katao. Nangunguna sa dami ang Nepal na umabot sa 859 kato, then Philippines, Indonesia, Vietnam at Sri Lanka ang nasa top five.
Sa kabuuan, ang natanggap nilang refugee applicants ay mula sa 57 countries at umabot sa 5,588 katao. Bumaba ito ng 46% compare last year na meron total count na 8,561. Ang mga bansang nasa top 5 ay mga bansa na walang kadahilanan sa ngayon upang mangailangan ng refuge ayon sa immigration.
Karamihan sa mga nag-apply ng refugee ay mga short term visa holder, then mga trainee visa holder at student visa holder ayon din sa data na nilabas nila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|