malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


KOKUMIN KENKOU HOKEN Benefit 3: Medical charge kung nagkasakit outside Japan

Jul. 31, 2017 (Mon), 1,897 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Para sa ating mga foreigner na umuuwi sa ating sariling bansa, ang inyong KOKUMIN KENKOU HOKEN ay maaari nyo ring magamit kung sakaling kayo ay magkasakit at na-hospital outside Japan. Dito makakatulong ng malaki ang inyong sinasalihang KOKUMIN KENKOU HOKEN just in case na meron mangyari sa inyo outside Japan. Kahit na nasa Pinas ka, feeling safe ka dahil maaaring magamit mo ang inyong health insurance.


Mostly ang mga hospital outside Japan ay hindi tatanggapin ang inyong health insurance card, kung kayat kinakailangan nyong bayaran muna ito personally in cash, then maaari nyong ma-refund ito later sa inyong sinasalihang KOKUMIN KENKOU HOKEN.

Be sure na meron kayong hawak na mga medical bill receipt at kumuha ng Medical Certificate sa hospital bilang patunay na kayo ay nagkasakit at nagbayad ng inyong medical bill in cash personally. Ipa-translate ang mg documents na ito, then apply ninyo sa inyong sinasalihang KOKUMIN KENKOU HOKEN upang maibalik sa inyo ang part na sasagutin (almost 70%) ng health insurance.

Maging tapat sa pag-apply nito at hwag mandaya dahil once na mag-conduct sila ng investigation at napatunayan na hindi totoo ang inyong ginawang application, maaaring matanggal kayo sa inyong membership at maaari kayong mapatawan ng charges punishable by law of Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.