malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Step by step procedure ng pagpasok ng 4TH-GEN applicant dito sa Japan

Jul. 02, 2018 (Mon), 1,695 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay isang 4TH-GEN (Fourth Generation ng mga Japanese, tumatayong mga apo sa tuhod ng mga Hapon) and willing to go here in Japan, to live and work at the same time, maaari kayong mag-apply ng 4TH-GEN Visa na ito. Ito ang mga step-by-step na dapat nyong gawin.


STEP 1. Maghanap ng magiging supporter ninyo. Una, ito ang dapat nyong gawin dahil hindi kayo makakapunta or apply ng visa na ito ng walang tulong ng tao or organization na tatayong supporter ninyo.

STEP 2. Mag-apply ng Certificate Of Eligibility (COE). Kung meron na kayong nakitang tatayong supporter ninyo, its time now to apply for COE sa immigration office dito sa Japan at ito ay gagawin ng supporter nyo mismo. Ipasa ang mga kinakailangang documents at maghintay sa magiging result ng application. Ang checking and evaluation ng inyong application ay tatagal ng 1 to 3 MONTHS.

STEP 3: Pagkakaloob ng COE. In case na naging matagumpay at naaprobahan ng immigration ang inyong COE application, bibigyan nila kayo ng COE at ito ay ibibigay nila sa inyong supporter.

STEP 4. Pagpapadala ng COE sa Pinas. Ang COE ay kailangan ng isang 4TH-GEN applicant sa kanyang visa application kung kayat need na ipadala nyo ito sa kanya sa Pinas.

STEP 5. 4TH-GEN Visa Application. Gamit ang ipinadalang COE sa inyo, pwede na kayong mag-apply ng 4TH-GEN Visa sa mga accredited agency sa Pinas. Sila ang magdadala ng inyong application sa Japanese Embassy. Ang checking and evaluation ng inyong visa application ay tatagal ng more than 1 WEEK.

STEP 6. Visa issuance. Kung sakaling naaprobahan ang inyong visa application, bibigyan nila kayo ng visa at itatatak nila ito sa inyong passport. Ang maaaring ibigay sa inyo ay 6 MONTHS subalit maaari nyong apply ng extension ito pagdating sa Japan sa tulong ng inyong supporter.

STEP 7. Travelling to Japan. Once na meron na kayong visa, legal na kayong makakapasok sa Japan at magagawa na ninyo ang activity na sakop ng visa na ibinigay sa inyo.

STEP 8. Residence Application. Pagdating nyo dito sa Japan, you have to register your self sa city hall kung saan kayo nakatira at dapat nyong gawin ito within 14 DAYS after na dumating kayo sa Japan.

STEP 9. Health Insurance Application. Pagdating nyo here in Japan, need nyo rin na mag-appply at sumali sa KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance) sa city hall kung saan kayo titira. Dapat nyong gawin ito within 14 DAYS after na dumating kayo sa Japan.

STEP 10. Visa Extension Application. Kung ang validity ng visa na ibinigay sa inyo ay wala nang 3 MONTHS ang natitira, need nyo nang pumunta sa immigration office upang mag-apply ng extension nito upang manatiling legal ang inyong pag-stay dito sa Japan.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.