malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Philippine Passport application of new born baby (Pinoy Kids)

May. 21, 2018 (Mon), 1,973 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung ang inyong bagong panganak na baby ay Pinoy at natapos nyo na ang REPORT OF BIRTH application nito sa Philippine Embassy, the next thing that you should do ay mag-apply ng Passport nya sa Philippine Embassy.

Sa pag-apply ng kanyang passport, kinakailangang isama ninyo ang inyong bagong panganak na baby dahil need na makunan ito ng picture na syang ilalagay sa passport ng bata. Ang bata ay kukunan mismo ng picture sa loob ng Philippine Embassy.


Ang kailangang mga documents sa pagkuha ng passport ng inyong anak ay depende rin sa status ng parents nito kung kasal or hindi. Kung ang parents ay kasal at ang bata ay legitimate child, kailangan ang personal appearance ng tatay o nanay kasama ang bata, then passport application form, birth certificate ng bata (since wala pang record nito sa NSO ang REPORT OF BIRTH copy ang syang pwedeng magamit), valid passport ng kasamang parent, School ID kung meron, at Letter Pack na kulay red na meron ng nakasulat na self address ng parents. Ang payment sa passport application sa Philippine Embassy ay umaabot sa 7,800 YEN.

Kung kukunan ninyo ng passport ang inyong anak, mas better na mag-online application kayo upang maging priority kayo sa application at di na kayo pumila in case na maraming applicant.

Ang processing ng passport application ay wala ring fix period kung kelan lalabas dahil kadalasan ay paiba-iba ito. In case na natapos na ang processing, ipapadala na lamang ng Philippine Embassy sa inyong return address ang Letter Pack (510YEN) na nasa loob nito ang bagong passport ng inyong baby.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.