malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Different type of visa you can apply to have a tour in Japan

Jan. 04, 2019 (Fri), 6,543 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



According to the data from Immigration, tourist from Philippines here in Japan is increasing yearly. Hindi maikakailang ang Japan ay isa sa favorite tourist destination ng ating mga kababayan sa ngayon.


Alam nyo ba na meron limang type ng visa na pwede ninyong apply kung gusto nyong pumunta dito sa Japan for tour or a short visit? Ang mga visa na ito ay matatawag na SHORT TERM VISA at below 3 MONTHS or 90 DAYS ang length ng visa na ibibigay ng Japanese Embassy sa Pinas. As a summary lamang, ito ay ang mga sumusunod:

1. TOURIST VISA
Kung sasagutin mo ang lahat ng gagastusin mo sa pag tour at pamamasyal dito sa Japan, and can afford ka sa lahat ng expenses, this type of visa ang dapat ninyong apply. Ang maaaring ibigay sa inyong length ng visa ay depende sa details ng schedule ng tour mo talaga.

2. FAMILY VISIT VISA
This one naman ay para sa mga meron family dito sa Japan na gusto pumunta dito sa Japan. Usually ang mga family nila sa Japan ang common na nagiging guarantor nila or invitee. Kung sasagutin ng family ninyo ang lahat ng expenses, makakapunta kayo here in Japan kahit na wala kayong pera sa Pinas.

3. VISIT VISA FOR FRIENDS/DISTANT RELATIVES
Kung meron naman kayong mga kakilala here in Japan, mga kaibigan or kamag-anak na willing na sagutin din ang inyong pagpunta dito sa Japan upang mamasyal, then this one naman ang pwede ninyong apply. Ang mga kaibigan or kakilala nyo ang pwedeng tumayong guarantor ninyo sa pag apply ng visa na ito.

4. TRANSIT VISA
Ang type ng visa naman na ito ay para sa mga gustong dumaan ng Japan bago sila pumunta sa final country destination nila. Halimbawa ay papunta kayo ng Canada, pero gusto nyo muna dumaan dito sa Japan to have a short tour, then this type of visa naman ang pwede nyo apply.

5. JOINING A PACKAGE TOUR
Makakapunta rin kayo sa Japan by joining this kind of package tour na ginagawa ng mga accredited travel agency sa Pinas. Sila ang mag-aasikaso ng lahat including your visa depende sa tour plan na ino-offer nila. Mostly ang binibigay nila na visa here ay hindi mag-exceed ng 15 days. You can apply this sa mga accredited agency na meron package tour na ino-offer.

For the details of the application and required documents, you can inquire to Japanese Embassy in the Philippines.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.