Pinoy refugee applicants, increases this first half of year 2017 Oct. 03, 2017 (Tue), 2,561 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, dumarami sa ngayon ang mga refugee applicants dito sa Japan base sa nilabas na data ng Ministry of Justice for the first half of year 2017 which is from January to June. Ang bilang nito ay umabot na sa 8,561 applicants at marami sa mga ito ay from Infonesia and Philippines.
Sa bilang naman ng mga naaprobahan sa loob ng kalahating taon na nakalipas, tatlo lamang ang naaprobahan ng Ministry of Justice ng Japan ayon sa news.
Karamihan sa mga applicants daw ay halatang halata na work ang main purpose sa pag-apply nila at hindi talaga refuge kung kayat marami agad din ang dini-deny nila at hindi tinatanggap ang application.
Sinasamantala ng karamihan ang rules ng pagiging refugee applicant upang makapag-trabaho dito sa Japan. Ang rules sa ngayon, kapag ang isang meron valid visa ay nag-pasa ng refugee application, at lumipas ang anim na buwan, maaaring mabigyan sya ng TOKUTEI KATSUDOU ZAIRYUUSHIKAKU (Special Activity Visa), at dito automatic na mabibigyan ng permit ang applicant na makapag-work. Maaaprobahan man o hindi ang application, the longer the processing, makakapag trabaho ang isang applicant ng legal dito sa Japan.
Dahil sa pagdami ng mga applicants na namamantala sa rules na ito, pinag-aaralan na ng Ministry of Justice at Immigration ang pagbabago sa rules na ito at maaaring mapa-implement sa nalalapit na panahon ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|