Paano malalaman kung member ka ng NENKIN dito sa Japan? Sep. 20, 2017 (Wed), 1,456 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng nasabi na namin here sa mga previous post about nenkin, lahat po ng mga mamamayan dito sa Japan age 20 to 60 year old at meron registered address sa city hall ay dapat na maging member ng nenkin. Once na maging valid member ka na, the easist way to do para ma-confirm ninyo is kung meron pinadala o binigay sa inyong NENKIN TECHOU.
Kung working ka sa isang company at ang SYAKAI HOKEN mo ay binabayaran mo directly from your company o binabawas nila sa inyong salary, bibigyan ka nila ng NENKIN TECHOU mula sa General Affairs Department ng inyong company. Ito ang magiging katibayan na ikaw ay isang ganap na member ng KOUSEI NEKIN system dito sa Japan.
Now, kung kayo naman ay nag-apply sa city hall dahil sa isa kayong self-employed dito sa Japan, sa KOKUMIN NENKIN kayo makakasali at padadalhan din kayo ng NENKIN TECHOU mula sa office na meron jurisdiction sa lugar ninyo. Ito ang magiging katibayan ng inyong membership sa KOKUMIN NENKIN.
Ang NENKIN TECHOU ay mahalagang bagay at dapat na meron kayo nito lalo na kung meron kayong binabayaran o binabawas sa inyo ito ng company. Kung walang binigay sa inyo ang company, malaki ang possibility na hindi nila ito pinapasok sa NENKIN office at niloloko kayo.
Ang NENKIN TECHOU ay meron dalawang kulay, ito ay ang BLUE at ORANGE subalit parehong valid ito at pwedeng gamitin. Ang pagkakaiba lang nito ay kung kelan ito na-issue. Kung kayo ay naging member ng NENKIN before year 1997, kulay ORANGE ang kanilang ibinigay noon sa mga member nito. Then simula JANUARY 1997, dahil sa pagkakaroon ng pagbabago sa NENKIN SYSTEM, kulay BLUE ng NENKIN TECHOU na ang na-issue simula sa year na ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|