Tinakasang utang, malimit na issue ng mga Pinoy sa Japan Jan. 09, 2017 (Mon), 1,788 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Isa pa sa mga gulo at problemang madalas na mapasukan ng mga Pinoy dito sa Japan ay ang mga utang na tinakbuhan o hindi na binabayaran ng mga taong kanilang tinulungan. Madalas kaming makatanggap ng mga message here in MALAGO about this kind of problem, asking for some advise kung paano nila mababawi ang perang pinautang o mapilit na magbayad ang taong nagkautang sa kanila.
This is a common problem sa ating mga Pinoy, lalo na kung meron mga emergency sa ating mga family sa Pinas. Most of them ay umaasa sa atin here sa Japan na matulungan sila dahil karamihan sa kanila ay ang pag-iisip ay madali lang ang kumita ng pera dito sa Japan. Pero lingid sa kanilang kaalaman, hindi nila alam kung gaano kahirap ang makakita ng pera here lalo na kung wala kang stable job. At sa oras ng kagipitan, ang pangungutang lang sa ating mga kaibigan o kakilala ang maaaring magawa ng karamihan.
Ang pag-papautang ay isang magandang ugali rin nating mga Pinoy, subalit lubos din nyo sanang isipin kung ang pinapautang nyo rin ba ay meron sapat na kakayahan na mabayaran ang perang hiniram nila sa inyo. Kung alam nyo namang wala, mas mabuti pa sigurong tumulong lang kayo sa kaya nyong ibigay na hindi kayo naman ang mawawalan sa oras ng inyong sariling kagipitan.
Meron mga common na ugali o character ang mga taong hindi nakakapag-bayad ng utang. Unang-una, tingnan nyo kung meron bang stable job ang isang taong nangungutang sa inyo here in Japan. Kung meron work, then meron itong kakayahang makabayad sa inyo dahil alam nyong meron papasok na pera sa kanya sa mga darating na buwan.
Palipat lipat ba ng lugar ang taong pinapa-utang ninyo? Kung wala syang stable na lugar at palipat lipat lalo na sa work, then malaki ang possibility na maglaho na lang itong bigla at hindi na kayo mabayaran. Isipin nyo rin kung kilala nyo na ang taong pinapa-utang ninyo ng matagal at mapagkakatiwalaan na rin ba.
Kung talagang hindi nyo maiwasang magpautang at gusto ninyong makasigurado, mas mainam na meron kapalit mula sa taong pinautang ninyo bago nyo ibigay ang pera. Maaaring ilang mahahalagang documents tulad ng titulo ng lupa at ilan pang asset nito. Mas mainam din na kunan nyo ng copy ng kanyang passport at residence card as possible just in case na takbuhan kayo upang meron kayong panlaban kung nais ninyong humabol sa huli.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|