malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Requirements in bringing family for Working Visa holder

Jan. 23, 2019 (Wed), 9,419 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Unlike sa ibang type ng visa tulad ng trainee at designated visa, isa sa mga privilege na meron ang isang Working Visa (WV) holder na legally working here in Japan full time as a regular employee ay ang madala nya ang kanyang family dito.


But this one is limited only sa ASAWA nya at mga ANAK na dependents sa kanya. Bilang dependent nya, sila ay pwede nyang makasamang mamuhay dito sa Japan as long na sya ay meron visa o patuloy na nagtatrabaho dito sa Japan. Ang maibibigay sa kanilang visa ay ang tinatawag na 家族滞在 (KAZOKU TAIZAI) or FAMILY STAY VISA. Remember na ito ay limited lamang sa inyong asawa at anak. Hindi pwede ang parents, mga kapatid o mga kamag-anak.

Para mapapunta nyo sila dito, meron two major steps na dapat ninyong gawin. Una ay ang ma-apply ninyo ang COE (Certificate Of Eligibility) nila sa Immigration here in Japan, then pag-naaprobahan ito, the second step ay ma-apply nila ang FAMILY STAY VISA sa Japan Embassy sa Pinas using the COE na ipapadala ninyo sa kanila.

Pwede nyong isabay ang pag-apply ng COE ng inyong asawa at mga anak at mapapunta sila rito ng sabay-sabay din. Isang set lang ng documents ang maaari ninyong ihanda. Para sa pag-apply ng COE, pumunta lamang sa pinakamalapit na immigration branch sa lugar ninyo here in Japan at dalhin ang mga kailangang documents na sumusunod:

1. COE Application Form
Kung sabay ninyo apply ang asawa at anak ninyo, dapat na meron silang separate application form.

2. Picture (Size 4cmx3cm)
Picture ng asawa or anak ninyo na papupuntahin nyo sa Japan.

3. Return envelop na meron 392 YEN na stamp na nakadikit
Gagamitin ito ng immigration sa pagpapadala sa inyo ng result ng COE application. Isulat na rin ninyo ang inyong address at idikit ang 392 stamp.

4. Document to proof your relationship sa applicant
Para sa asawa ninyo, need ang MARRIAGE CERTIFICATE, then sa mga anak ninyo naman, need ang BIRTH CERTIFICATE. Kailangan na meron mga Japanese translation ang mga ito na ipapasa nyo rin sa immigration.

5. Copy of your passport and residence card

6. 在職証明書 (ZAISYOKU SYOUMEISYO) Working Certificate
Makukuha nyo sa company or employer ninyo. Need ito para maipakita nyo na presently employed pa rin kayo at the time na nag-apply kayo.

7. 住民税 (JUUMINZEI) Residence Tax Certificate
Makukuha nyo sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Proof of your residence tax payment. Need ninyo ang previous one (1) year payment ninyo.

8. 納税証明書 (NOUZEI SYOUMEISYO) Income Tax Certificate
Makukuha nyo sa city hall kung saan kayo nakatira dito sa Japan. Proof of your income tax payment. Need ninyo ang previous one (1) year payment ninyo.

9. Residence Card (To present only.)

Maaaring hingan kayo ng iba pang supporting documents ng immigration in case na kinailangan nila. Kung sakaling wala pa kayong makuhang tax certificate dahil bago pa lamang kayo dito sa Japan at wala pang isang taon ang nakakalipas, mag-inquire sa immigration para sa possible na replacement document dito.

Ang COE ay free of charge, wala kayong dapat bayaran in case na maaprobahan man ito or ma-deny. Ang processing period nito ay 1 to 3 months daw ayon sa website nila. Kung lumagpas ng 3 months at wala pa ang result, mag follow-up na kayo sa immigration.

Once na natanggap nyo na ang COE, ipadala ninyo ito sa inyong asawa o anak sa Pinas para ma-apply nila ang FAMILY STAY VISA sa Japan Embassy sa Pinas through accredited agencies.

Para sa iba pang detalye, mag inquire sa immigration office na malapit sa lugar ninyo o check ninyo ang official website nila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.