Penalty sa mga Imitation Marriage violators (First Penalty: Individual) Feb. 15, 2017 (Wed), 1,853 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng mga nababasa nyo dito sa MALAGO about sa mga nahuhuling Japanese at mga foreigners na sangkot sa imitation marriage, isang common na issue ito ngayon dito sa Japan. Meron mga parehong mag-partner na Japanese subalit kadalasan sa mga sangkot dito ay mga foreigners na partner ng mga Hapon at marami rin sa mga kababayan natin ang involve.
Nakakalungkot na sabihin subalit marami sa mga kababayan natin ang gumagawa o pumapasok sa ganitong illegal act na hindi nila alam kung ano ang magiging penalty o kahihinatnan nila kung sakaling mahuli sila sa violation na ito. So we want to share it here para maging orientation at magsilbing babala sa mga taong gustong gumawa nito.
Ang penalty na nakalaan sa mga violators ay nahahati sa tatlong bahagi depende sa magiging lalim o involvement nila sa imitation marriage. Hindi lamang ang mag-partner na pumasok sa imitation marriage ang madalas na mahatulan dito, kundi pati na rin ang mga taong naging involve sa kanila katulad ng mga broker, mga taong nagpakilala sa kanila, at mga nagbigay ng advise o utos para gawin nila ang imitation marriage. Lahat ng taong involve dito ay maaaring malaman nila during interrogation sa mga taong nahuli.
Ang penalty na nakalaan dito ay depende sa naging objective ng mga nahuling tao, mula sa pamemeke ng mga documents para maikasal, pagpapakasal lamang upang makakuha ng JAPANESE SPOUSE VISA o meron involve na visa application, at pagpapakasal na involve ang pera bilang kabayaran sa partner. All in all, meron tatlong batas tungkol sa mga penalty na napapaloob dito at ito ay ating tatalakayin isa isa upang maintindihan ninyong mabuti.
Una, kung ang violation na nagawa ng mag-partner ay pagpapa-register lamang ng kanilang kasal kahit na wala itong katotohanan upang makakuha ng mga government issue document tulad ng KOSEKI-TOHON, ang kasong ito ay napapaloob sa tinatawag nilang 電磁的公正証書原本不実記録罪 (DENJITEKI KOUSEISYOUSYO GENPON FUJITSU KIROKUZAI) or [False Entries in the Original of Notarized Deeds] in English.
Ayon sa kanilang law, ang penalty sa ganitong violation ay PAGKAKULONG NG HINDI LALAGPAS NG LIMANG (5) TAON, O PAGBAYAD NG MULTA NA HINDI LALAGPAS SA 50 LAPAD.
刑法157条1項後段の『電磁的公正証書原本不実記録罪』にあたる行為です。5年以下の懲役、または50万円以下の罰金刑が科されるとされています。
Ang penalty na nabanggit sa taas ay ang pinakamagaan kung walang halong ibang motibo ang nahuling violators. Kung meron pa itong ibang motibo katulad ng pagkuha ng visa, at meron pang halong kita ng pera, ang lahat ng tatlong penalty na nakalaan sa violations na ito ay maaaring ipataw ng sabay.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|