Ano ang documents na makukuha na katibayan ng Seikatsu Hogo applicant? Jan. 28, 2015 (Wed), 1,172 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kapag aprobado na ang inyong Seikatsu Hogo applicant, you can get a document na nagpapatunay na kayo ay tumatanggap ng benefit na ito. At ang document na ito ay pwede ninyong magamit bilang proof na meron kayong natatanggap na pera sa anomang application na inyong isasagawa kung kinakailangan ninyo.
Ang document na ito ay tinatawag na 生活保護受給証明書 (SEIKATSU HOGO JUKYUU SYOUMEISYO) sa Japanese which means Livelihood Assistance Application Certificate. Ito ay makukuha ninyo sa sa Social Welfare Office kung saan kayo mismo nag-apply ng benefit. You can easily have it dahil wala namang kinakailangang anomang documents para makuha ito. This will be your official document bilang patunay sa natatanggap ninyong benefit.
Ang document na ito ay magagamit ninyo sa maraming situation kung kayat dapat kayong mag-apply nito at magkaroon. Pwede nyo itong magamit kapag gusto ninyong ipatanggal ang National Health Insurance (Kokumin Kenkou Hoken) na pinababayaran sa inyo. Magagamit nyo rin ito kung kayo ay mag-apply ng tirahan or apartment sa mga DANCHI. Kung gusto nyo rin mag-apply sa pagbawas ng tuition fee ng inyong anak, ito ay inyo ring magagamit. Also, sa application ng inyong tax reduction at pati na rin sa medical bill, ang document na ito ay inyong magagamit bilang proof.
Isa pa sa mga document na dapat ninyong kunin ay ang 生活保護受給者証 (SEIKATSU HOGO JUKYUUSYASYOU). Ito ay parang pinaka ID ninyo na makukuha nyo rin sa Social Welfare Office sa lugar ninyo kung san kayo nag-apply ng benefit. May mga lugar na hindi nagbibigay nito, so be aware about it. Ito ay parang isang Company ID lamang kung kayat hindi mo masasabing official document na pwedeng magamit bilang proof. Subalit magagamit nyo ito bilang isang ID lamang at patunay ng status ninyo as applicant.
Ang dalawang document na nabanggit sa taas ay makukuha ninyo ng walang anomang kailangang bayaran. So be sure to get it when you are an applicant of Seikatsu Hogo benefit.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|