Binabayarang syakai hoken, hindi pwedeng mag-doble Jan. 07, 2019 (Mon), 4,387 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang contribution natin sa syakai hoken ay iisa lamang. Ang nenkin at kenkou hoken na ating bayarin kada buwan ay hindi dapat mag-doble. Kung kayo ay nagbabayad na sa inyong company na pinag-tatrabahuan, hindi nyo na kailangan pang bayaran ang inyong contribution sa city hall para sa KOKUMIN NENKIN (National Pension) at KOKUMIN KENKOU HOKEN (National Health Insurance).
At times na binabawas na sa inyong sweldo ang syakai hoken, it means na nakapasok na kayo sa KOUSEI NENKIN (Workers Pension) at KOUSEI KENKOU HOKEN (Workers Health Insurance). So there is no need na maging member pa kayo at magbayad sa KOKUMIN NENKIN at KOKUMIN KENKOU HOKEN.
Now, kung hindi kayo binabawasan ng company ninyo sa sweldo nyo para sa inyong syakai hoken, it means na sakop kayo dapat ng KOKUMIN NENKIN at KOKUMIN KENKOU HOKEN, at kayo ang dapat na magbayad nito personally.
Sa mga meron namang dumarating na bill pa rin ng nenkin at kenkou hoken kahit na working na sila at binabawasan na ang kanilang sweldo, check ninyo ang bill na dumarating sa inyo lalo na ang period ng payment nito. Malaki ang possibility na ang billing na yan ay para sa unpaid contribution ninyo noong mga nagdaang buwan na wala kayong work. So it means na dapat ninyong bayaran ito dahil wala kayong payament at that particular period.
Kung alam nyo naman na bayad na kayo, subalit sinisingil pa rin kayo, then puntahan nyo sila sa office nila at ipakita nyo ang proof ninyo para matigil na nila ang pagpapadala sa inyo ng billing.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|