malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Nilalaman ng Working Agreement (WA) na dapat ninyong check

Feb. 06, 2019 (Wed), 4,286 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Anoman ang status nyo bilang worker dito sa Japan, hwag na hwag kayong mag-start ng work sa isang company or employer na walang namamagitan sa inyong kasunduan o contract. Bilang isang worker, rights ninyo na bigyan ng document na ito, at lahat ng employer or company ay dapat na bigyan ng kopya ang bawat workers nila nito.


Kung kayo ay nagtatrabaho sa ngayon at wala kayo nito, then para nyo na rin binigyan ng rights ang employer ninyo na abusuhin kayo. Meron mang mangyari sa inyo sa work ninyo sa ngayon, wala kayong kalaban-laban at walang ibang dapat sisihin kundi ang inyong sarili. Magiging mahirap na bigyan kayo ng tulong o assistance ng anomang government offices in case na abusuhin kayo o meron man kayong gustong habulin sa inyong employer tulad ng hindi pagbayad ng sahod ninyo.

Kapag wala kayong docs na ito, madaling makatakbo ang isang employer sa kanyang responsibility sa isang worker dahil wala namang legal evidence kayo na maipapakita. Maraming mga company na gustong magkaroon ng workers na hindi nagri-request nito dahil sa madali para sa kanila ang tumakas sa responsibility nga.

So in case na nag-apply kayo sa isang work dito sa Japan, at binigyan kayo ng docs na ito, then need ninyong pirmahan to formally bind the contract at makapag start kayo ng work, need ninyong check ng mabuti din ang nilalaman nito. Ilan sa mga major items na dapat ninyong tingnang mabuti dito ay ang mga sumusunod. Summary lamang ito at tatalakayin namin ang details nito isa-isa sa mga susunod naming post here.

1. Working Period
Dapat nakalagay mabuti dito kung kelan ang start ng work ninyo at until kelan lang. Meron bang end ito, or contract renewal lang din ba ang gagawin.

2. Working Location
Saan ang magiging working place ninyo. Dapat na clear din dito kung saan ang pagtatrabahuan ninyong lugar.

3. Working Time
Dapat nakasaad dito kung ilang oras kayo magtatrabaho sa isang araw. Anong time ang umpisa at anong oras ang tapos. Ilang oras ang rest time. Meron bang shifting schedule, at iba pa.

4. Working Days
Kailangang nakasaad din kung anong araw lang ang pasok mo. Every weekday lang ba at rest naman kapag week end. Meron din bang pasok kapag national holiday?

5. Work Leave
Ilang work leave meron ka sa isang taon, kelan nila ito ibibigay at kelan mo pwede magamit? Dapat na nakasaad din ito sa contract.

6. Wage or Salary
Magkano ang magiging basic salary ninyo per month? Dapat na nakasaad din ito dito. Magkano ang dagdag kapag nag overtime, at nag work ng holiday? Dapat na nakasaad din ito dito.

7. Bonus/Promotion
Meron bang bonus at promotion na gagawin ang company every year? Dapat ang detalye nito ay nakasulat din. Ilang beses every year makakatanggap ng bonus, at ang promotion, kelan gagawin every year?

8. Allowance & Benefit
Ano anong mga allowance ang pwedeng ibigay ng company base sa kanilang policy? Kung meron, dapat na nakasulat ito upang maaari nyong habulin sila pag hindi nila ito naibigay.

9. Resignation
Ano ang condition in case na gusto mong mag resign sa work? Meron ka bang matatanggap ng resignation benefit? Kelan dapat mag-submit ng resignation? Meron bang penalty in case na nag resign ka ng maaga?

10. Social Insurance
Ano-anong mga social insurance ang sakop ng company? Meron bang pension, health insurance, nursing insurance, unemployment insurance, workers accident insurance, maternity leave at iba pa. Dapat na alamin mo ito para malaman mo kung ano ang maaaring ibawas nila sa salary ninyo.

Thats it. Ito ang main TEN ITEMS na dapat ninyong check or confirm sa WORKING AGREEMENT na ibibigay sa inyo ng inyong employer bago nyo ito pirmahan. Kung sakaling di kayo payag sa nakasulat, maaaring makipag negotiate kayo upang mabago nila ito kung nararapat.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.