Saan nanggagaling ang contribution ng dependent o asawa ng isang nagbabayad ng nenkin? Sep. 28, 2017 (Thu), 1,779 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Kung kayo ay dependent o asawa ng isang workers or employee na nagtatrabaho dito sa Japan, malaki ang possibility na kayo ay meron ding nenkin kung kayo ay na-declare nyang dependent. In this case, automatic rin kayong magkakaroon ng sarili nyong contribution sa pension system dito sa Japan. Pero paano ito nangyayari?
Sa KOKUMIN NENKIN (National Pension) system ng Japan, ang mga insured na tao o members nito ay nahahati sa tatlong division at ito ang tatalakayin natin sa article na ito. Dito nyo malalaman kung saang division napapaloob ang isang dependent at kung paano nakakapagbayad ng kanyang contribution ito sa nenkin.
FIRST DIVISION INSURED MEMBERS
Known in Japanese as 第1号被保険者 (DAIICHIGO HIHOKENSYA). Sa division na ito kasali ang mga farmers, mangingisda, mga freelancer, arubaito, student at mga walang trabaho. Ang mga single mother or parents ay dito rin napapaloob. Ang mga members dito ay nakakapagbayad ng kanilang contribution sa pamamagitan ng pagbayad sa billing na pinapadala sa kanilang mga address. Ang mga members dito lamang din ang meron rights na mag-apply ng reduction sa kanilang nenkin contribution kung di nila kaya itong bayaran.
SECOND DIVISION INSURED MEMBERS
Known in Japanese as 第2号被保険者 (DAINIGO HIHOKENSYA). Ang mga members na napapaloob naman dito ay ang mga workers or employee working in a company, educational institute at government agencies. Part ng kanilang binabayaran sa KOUSEI NENKIN or KYOUSAI NENKIN ay pumapasok sa KOKUMIN NENKIN bilang KISOU NENKIN (Basic Pension) kung kayat automatic silang nagiging member ng KOKUMIN NENKIN. Ang contribution nila ay automatic na binabawas sa kanilang mga salary monthly at pumapasok sa NENKIN office.
THIRD DIVISION INSURED MEMBERS
Known in Japanese as 第3号被保険者 (DAISANGO HIHOKENSYA). Ang mga members na napapaloob n sa division na ito ay ang mga partner or spouse o asawa ng mga members sa SECOND DIVISION. Dito pumapasok ang mga dependents na asawa bilang member ng KOKUMIN NENKIN. Kaya lang, meron itong condition para maging member dito at ito ay ang 130 LAPAD na border line sa kanilang annual salary kung nagtatrabaho ang isang asawa. Kailangan na hindi sila lalagpas sa amount na ito, otherwise need na nilang magkaroon ng sariling NENKIN. Ang bayad nila sa kanilang contribution ay kasama sa binabayaran ng kanilang asawa na member sa SECOND DIVISION.
So remember, na kapag kayo ay dependent ng inyong asawa Japanese man or foreigner na nagtatrabaho dito sa Japan at member ng KOUSEI NENKIN or KYOUSAI NENKIN, kayo bilang partner ay pasok o member na rin sa NENKIN at meron contribution na binabayaran din.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|