Ano ang Reduced consumption tax law sa pag-umpisa ng 10% consumer tax? Oct. 05, 2019 (Sat), 825 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng alam na ng nakakarami nating kababayan dito sa Japan, ang pagtaas ng consumer tax na 10% ay nag-umpisa na noong October 1, subalit sa pag-umpisa nito, meron pang isang batas na nag-umpisa na rin ipa-implement dito sa Japan at ito ay ang 軽減税率 (KEIGENZEIRITSU) or REDUCED CONSUMPTION TAX (RCT).
Siguro meron na ring nakakapansin sa inyo, lalo na kung namimili kayo ng mga basic needs nyo here in Japan, ang binabayaran nyo pa ring consumer tax ay nasa 8% at hindi 10%, ito ay dahil sa RCT na pina-implement rin ng Japan noong October 1.
Sa madaling salita, hindi talaga lahat ng bibilhin nyong products now dito sa Japan ay 10% ang consumer tax na babayaran ninyo, marami pa rin ang mananatiling 8% lamang ang babayaran.
Ang RCT na ito ay pina-implement nila upang hindi masyadong maapektuhan ang mga low income na mamamayan dito sa Japan. Tulad ng alam na ninyo, ang CONSUMER TAX kasi ay pantay-pantay, mahirap ka man or mayaman na namimili, parehong tax amount ang babayaran ninyo. Hindi tulad ng INCOME TAX na mas malaki ang binabayarang amount ng mga malalaki ang sweldo o kita compare sa mga mababa lamang ang sweldo. So kung wala itong RCT na isinagawa nila, lalo daw maghhirap ang mga mabababa ang sweldo dito sa Japan.
Dahil sa RCT na ito, ang mga products na mostly related sa mga basic food needs ng mga mamamayan tulad ng bigas, gulay, isda, karne, obentou, mineral water, non-alcohol drinks, tinapay, dairy products, chocolate at iba pa ay mananatiling 8% ang consumer tax na babayaran ninyo. Kung balak nyo rin mamili ng pagkain sa labas, take-out lamang at hindi kayo kakain mismo sa loob ng restaurant, ang babayaran nyo din ay 8% lamang.
Ang implementation ng RCT na ito ay walang validation period. Mananatili ito hanggat walang inilalabas na bagong batas ang Japanese government. Sinasabi na ang bagong 10% na consumer tax ay para lamang sa mga middle class at mga mayayaman dahil ang mga services or products na sakop nito ay hindi talaga masasabing mga basic needs upang mabuhay dito sa mundo.
Kung talagang naghihirap ka at ang mga needs mo lamang ay mga basic needs mo na pang araw-araw, then mananatiling 8% ang consumer tax na babayaran ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|