KOYOU HOKEN Basic Benefit Application Flow (Step by Step Guide) Part 2 Sep. 12, 2017 (Tue), 1,648 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is the Part 2 on how you can apply your benefit in KOYOU HOKEN kung kayo ay tinanggal sa work ninyo or umalis sa inyong trabaho. Please refer to Part 1 para sa step by step procedure kung paano ninyo makukuha ang mga kailangang documents sa inyong company na kakailanganin ninyo sa pag-apply ng benefit.
Sa first part, itinalakay hanggang STEP 4 ang mga dapat ninyong gawin upang maihanda ninyo ang mga documents na kakailanganin, now ito naman ang mga steps kung paano kayo mag-apply ng actual benefit sa HELLOWORK OFFICE.
STEP 5: Go to HELLOWORK Office for application
Kapag nakuha nyo na ang mga kailangang documents from your company kung saan kayo nagtrabaho before kayo umalis, pumunta kayo agad sa HELLOWORK OFFICE na meron jurisdiction sa inyong lugar. Need nyo itong gawin within 10 DAYS after your resignation to your previous work. Kung hindi, maaaring mawala ang inyong rights sa pag-apply ng benefit.
Mag-inquire kayo about 求職の申込み (KYUUSYOKU NO MOUSHIKUMI) JOB SEEKER REGISTRATION. Pagka-apply nyo nito, kanilang gagawin ang evaluation at maibibigay sa inyo ang 受給資格 (JUKYUU SHIKAKU) Certificate to Accept Benefit within that day of your application.
STEP 6: Attend Orientation on Receiving Benefit
After your application, meron nakatakdang 7 days waiting time. After that, meron isinasagawang orientation ang HELLOWORK para sa mga tatanggap ng benefit. So you need to attend on the date na ibinigay sa inyo ng HELLOWORK OFFICE.
STEP 7: First Month Unemployment Approval
Pumunta ulit kayo sa HELLOWORK sa date na itinakda nila upang malaman ninyo kung approved ba nila ang inyong application bilang unemployed to receive the benefit.
STEP 8: Receiving the First Month Benefit
After 5 to 7 days, ang perang benefit mula sa HELLOWORK will be deposit on your bank account given. So check that day kung meron pumasok or wala. Kung kayo ay natanggal sa work dahil sa situation ng company at hindi kayo nag-resign voluntarily, mas madali ninyong matatanggap ang benefit. Kung kayo naman ay nag resign naman ng personal reason, maghihintay kayo ng mahabang period bago nyo matanggap ang unang benefit ninyo.
STEP 9: Second Month Unemployment Approval
Pumunta ulit kayo sa HELLOWORK OFFICE sa date na kanilang ibinigay upang makuha ninyo sa kanila ang approval na kayo ay unemployed pa rin at makakuha ng benefit for the second month.
STEP 10: Receiving the Second Month Benefit
After 5 to 7 days, matatanggap ninyo muli ang benefit sa KOYOU HOKEN for the second month at ito ay ilalagay nila sa inyong bank account. So, check it on that day.
Then, STEP 9 and STEP 10 ay uulitin muli hanggang sa matapos ang period ng pagtanggap ninyo ng benefit sa HELLOWORK OFFICE. So kung 3 months lamang, need ninyong tatlong beses itong gawin. Kung 6 months naman, six times nyo naman itong dapat gawin. Basta tandaan nyo lamang na need ninyong pumunta once every four weeks sa HELLOWORK OFFICE sa date na kanilang itinakda para sa approval ng inyong unemployment status.
Kung kayo ay nawalan ng work dahil sa tinanggal kayo ng company at hindi sa pansariling reason lamang, it will takes almost 5 WEEKS bago nyo matanggap ang FIRST MONTH BENEFIT mula sa KOYOU HOKEN, kaya as possible mag-apply ng mas maaga.
Kung kayo naman ay nawalan ng trabaho dahil sa nag-resign kayo personally, mahigit 3.5 MONTHS ang aabutin bago nyo matanggap ang inyong FIRST MONTH BENEFIT mula sa KOYOU HOKEN. At ang matatanggap nyong benefit ay mostly limited lamang sa 3 MONTHS.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|