Important things to remember about KOYOU HOKEN Aug. 30, 2017 (Wed), 1,714 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ang KOYOU HOKEN (Unemployment Insurance) ay isang parte ng SYAKAI HOKEN (Social Insurance) dito sa Japan na ang layunin ay matulungan ang mga nawawalan ng trabahong mamamayan PANSAMANTALA at hindi pangmatagalan kung kayat makakabuting isipin na hwag umasa sa maaaring maitulong ng insurance system na ito. Laging isipin na ang tulong na ito ay PANGTAWID lamang sa oras ng kagipitan dahil sa pagkawala ng work.
Sa pagkuha ng mga benefit dito, maraming mga conditions at hindi madali kung kayat kinakailangang pag-isipan ninyong mabuti lalong lalo na sa mga humihinto sa kanilang mga work ng pansariling dahilan lamang. Meron ding kaukulang period sa pag-apply nito dahil pag-lumagpas na sa takdang period na dapat kayo mag-apply, hindi na ito tatanggapin at wala na kayong matatanggap na benefit.
Sa mga nagtatanong kung makakakuha ng benefit dito habang nagta-trabaho, ang inyong katanungan ay isang panlalamang o SAGI at walang ganyang rules sa KOYOU HOKEN dahil ang insurance na ito ay tulong para sa mga nawawalan ng trabaho at hindi para sa mga merong trabaho.
Ang pag-apply ng benefit na ito ay pwedeng gawin ninyo personally matapos na makuha ang mga kinakailangang documents mula sa inyong company, o pwede ring ang proxy ng inyong company ang syang mag-apply nito. Sa pag-apply ninyo personally, make sure na marunong kayong mag Japanese upang ma-explain ninyong mabuti sa HELLOWORK ang inyong side and condition dahil dito nakabase ang matatanggap ninyong benefit. Kung hindi marunong mag Japanese, magsama ng taong makakatulong sa inyo.
Hindi man kayo Japanese at ano man ang lahi ninyo, basta nagbabayad kayo ng KOYOU HOKEN at ito ay binabawas sa inyong monthly salary, kayo ay meron rights na makapag-apply ng benefit once na mawalan kayo ng work at nagipit. As long na maipasa ninyo ang mga conditions sa pag-apply, mabibigyan kayo ng benefit sa HELLOWORK.
Para sa mga karagdagang katanungan tungkol sa KOYOU HOKEN, pumunta kayo sa HELLOWORK OFFICE sa inyong lugar. Kung hindi alam ang office nila, magtanong sa ward or city hall kung saan kayo nakatira at ituturo nila sa inyo ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|