Personal trouble, madalas na reason ng mga Pinoy refugee applicants Mar. 21, 2018 (Wed), 1,211 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, lumabas sa kanilang panayam sa Immigration Office na ang number one reason ng mga Pinoy refugee applicants ay PERSONAL TROUBLE at ito ay umaabot sa almost 60% ng total number ng mga Pinoy applicants.
Sa nilabas na data ng Japan Ministry of Justice tungkol sa bilang ng mga refugee applicants last year 2017, lumabas na number one sa dami ang mga Pinoy applicants na umabot sa 4,895 katao. Noong year 2016, meron lamang itong 1,412 applicants, at pangatlo sa dami ang mga Pinoy. Sa kabila ng mataas na bilang na ito, walang kahit isa sa kanila ang naaprobahan o na-consider na refugee dito sa Japan.
Ang mga reason na madalas ginagamit ng mga Pinoy refugee applicants ayon sa news na mako-consider na PERSONAL TROUBLE at din tinanggap ng Immigration ay ang (1) Pagkakaroon ng death threat mula sa salarin matapos na maging saksi sa isang crime at i-report ito, (2) Pagkakaroon ng death threat mula sa mga ex-partner matapos na makipag-hiwalay, and (3) Pagkakaroon ng death threat matapos na hindi makabayad sa pagkakautang.
Ang iba pang reason ng mga Pinoy refugee applicant na bumubuo sa mahigit 20% ng total applicants nito ay ang kanilang pangangamba sa peace and order sa lugar na tinitirahan nila sa Pinas na dulot ng mga karahasan o terrorist.
Then ang natitirang another 20% na madalas na ginagawang reason ay ang pagtugis sa kanila ng mga NPA at Abu Sayyaf sa Pinas ayon din sa news.
Ayon sa Immigration naman, ang reason na mga refugee applicants tungkol sa kanilang pangamba na maaaring madamay sila sa kaguluhan na nangyayari sa kanilang lugar ay hindi sapat na dahilan upang maging isang refugee. Isa pa, kanilang binibigyan ng magandang evaluation ang ginagawa ng present Philippine administration sa peace and order sa Pinas ayon sa new
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|