malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Permanent visa holder, not the same with Japanese when traveling to other country

Jun. 23, 2017 (Fri), 1,797 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Tulad ng sinasabi namin here ng maraming beses, kahit na Permanent Visa holder kayo, hindi kayo isang Japanese citizenship at ang batas na dapat nyong sundin ay batas pa rin ng Pinas. We want to share here na madalas din na itanong sa amin kapag nagta-travel ang isang Permanent Visa holder at kung ano ang madalas na problem na nangyayari sa kanila pag-dating sa airport.


Kung kayo ay PR holder, be aware sa inyong visa kung kayo ay magta-travel sa ibang bansa lalo na kung kasama ninyo ang inyong asawang Japanese. Hindi porket asawa kayo ng Japanese at PR holder kayo ay magiging same na rin ang visa treatment sa inyo tulad ng sa asawa ninyo.

Sa asawa ninyong Japanese, wala sigurong magiging problem dahil most country ay meron NO VISA ENTRY na binibigay sa mga Japanese na pumapasok sa bansa nila. Pero sa ating mga Pinoy, kapag hindi nyo na-confirm ang visa policy ng bansa na pupuntahan nyo para sa ating mga Pinoy, baka langawin kayo pagdating as airport at ma A to A kayo katulad sa mga nangyayari sa iba nating kababayan dahil sa maling akala nila.

Maraming mga bansa lalo na Europe ang walang NO VISA ENTRY para sa ating mga Pinoy. So paghindi nyo ito na-check bago kayo mag-travel at hindi nag-apply ng proper visa, baka masayang ang inyong pamasahe at mauwi sa wala ang plano ninyong vacation or travel. At ito ay madalas na mangyari sa mga PR holder dito sa Japan na akala nila ay magiging FREE PASS na rin sila tulad ng mga Japanese. Kaya mag-ingat at maging aware kung ano ang dapat gawin all the time.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.