Refugee applicants, lilimitahan na ang pagtatrabaho sa Japan Oct. 31, 2017 (Tue), 2,865 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, magkakaroon ng malaking pagbabago sa policy ng pagtanggap ng mga refugee applicants here in Japan simula sa darating na November upang mapigilan ang pagdami ng mga fake applicants.
Naglabas ng pahayag ang Japan Ministry of Justice na tatanggalin na nila ang policy sa pagbibigay ng permit na makpag-work ang isang applicant after a period of 6 MONTHS at ito ay papalitan nila ng bagong rules at ipapa-implement nila by middle of November 2017. Sa bagong policy na ito, more than 10,000 refugee applicants ang hindi na makakapag work at mahihinto ang pagdami ng mga fake applicants dahil dito.
As of now, ang decision para sa isang refugee application ay umaabot ng mahigit 10 months agn average length of time bago nila mailabas kung approved or deny ito. Sa bagong rules na ipapatupad nila, ang lahat ng application ay papasok sa short period screening na aabot sa 2 MONTHS lamang. Ang mga application ay ilalagay nila sa apat na category at isasagawa nila ang kaukulang action na nakalaan dito.
CATEGORY 1: Real Refugee Applicants
Kung sa screening nila ay lumabas na ang isang applicant ay talagang nangangailangan ng refuge mula sa Japanese government, bibigyan agad nila ito ng working permit kahit na hindi pa lumalagpas ang 6 MONTHS. Ayon sa Immigration, ang papasok sa category na ito ay almost 1% lamang sa total number ng mga applicants sa ngayon.
CATEGORY 2: Not Real Refugee Applicants
Kapag lumabas sa screening nila na ang isang applicant ay hindi naman talaga naaangkop bilang isang refugee, maaari nilang ikulong ito directly kung hindi na rin valid ang visa na hawak nito at that time.
CATEGORY 3: Refugee Re-Application
Sa mga applicants na nag-aapply muli after silang ma-deny, maaari rin silang makulong directly kung hindi na rin valid ang kanilang hawak na visa at the time of their re-application.
CATEGORY 4: Unclear Refugee Applicants
Sa mga applicants naman na hindi agad mabigyan ng decision ng immigration after 2 MONTHS of screening dahil sa mga kakaibang dahilan, mabibigyan din ito ng WORKING PERMIT habang patuloy na ginagawa ng immigration ang screening sa application nito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|