Ano ang gagawin ninyo kung nabiktima kayo ng scam o manloloko dito sa Japan? Jan. 27, 2017 (Fri), 1,992 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ngayong nabanggit na namin dito sa MALAGO ang mga common na scam o panloloko na ginagawa sa mga kababayan natin here in Japan, its time naman para malaman ninyo kung ano ang magagawa ninyo para maibalik sa inyo ang naloko sa inyong pera, o paano kayo makakabawi sa mga nanloko sa inyo.
Kadalasan na nakikita natin sa mga naloko ay nagpo-post sila ng mga info ng mga taong nanloko sa kanila sa SNS lalo na here in FACEBOOK. Well, I guess walang mangyayari sa ginagawa ninyong ito. Patuloy pa rin silang makakagawa ng kanilang panloloko kung hindi kayo magpa-file ng charge laban sa kanila dito sa Japan. Para makabawi sa mga nanloko sa inyo, the best action na gawin ninyo ay daanin sa legal na paraan.
We will discuss here ang maaari nyong gawin dito sa Japan kung sakaling nabiktima kayo ng mga taong manloloko lalo na kapag ang usapin ay malaking pera na. Kung meron pa kayong financial means, the best advise na maibibigay namin ay kumuha kayo ng lawyer, pero kung wala, meron din kayong mga bagay na kayang gawin para kahit papaano ay mahabol ninyo ang pera na naloko sa inyo. Kung hindi man, maaari kayong makagawa ng paraan na hindi na sila makagawa pa ng panloloko dito sa Japan.
We will discuss it in two parts. Una ay ang pag-file ng HIGAI TODOKE or Police Report sa mga police station or kouban dito sa Japan, then ang part two ay kung paano nyo sila maaaring report sa Japan Immigration upang ma-hold ang kanilang mga visa o hindi na sila makapag-apply ng extension dahil sa charge na pwedeng file ninyo laban sa kanila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|