Penalty sa mga nagbibigay ng trabaho sa mga walang kaukulang working permit Feb. 02, 2017 (Thu), 3,049 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga overstayer na working, at sa mga walang kaukulang permit na nagtatrabaho tulad ng mga tourist visa holder, or family visit holder, be aware on this. Ito naman po ang magiging penalty ng mga taong nagbibigay sa inyo ng trabaho pag nahuli po kayo.
Dito sa Japan, hindi lamang ang isang taong lumabag sa batas ng immigration ang binibigyan nila ng kaukulang parusa kundi na rin ang mga taong tumulong at ginamit ang mga taong ito upang kumita ng pera. Sa mga taong nagbigay ng trabaho, o nagpapa-trabaho o tumulong para makapag-trabaho ang isang walang kaukulang permit, meron nakalaang parusa din ang Japanese government.
不法就労助長罪の罰則は「3年以下の懲役若しくは300万円以下の罰金、又はこれの併科」です。
Ayon sa kanilang law, ang magiging parusa sa mga taong tumulong na magbigay ng trabaho sa mga taong walang kauukulang working permit ay HINDI LALAGPAS SA TATLONG (3) TAONG PAGKAKULONG, OR PAGMULTA NG HINDI LALAGPAS SA 300 LAPAD, O PAREHONG IPAPATAW ANG KULONG AT PAGMULTA.
So kung kayo ay isa sa mga nagbigay ng work, o tumulong sa mga taong kakilala nyo na makapagtrabaho kahit na walang kaukulang working permit, be aware na isa rin kayo sa mananagot kapag sila ay nahuli dito sa Japan. Hindi nila tatanggapin ang reason ninyo na gusto nyo lamang makatulong sa tao dahil ang batas ay batas dito sa Japan. So mag-iingat at sumunod sa batas as possible upang walang pagsisihan sa huli.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|