malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Ano ang importance ng pag-apply ng My Number ID?

Nov. 24, 2015 (Tue), 1,018 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung natanggap na ninyo ang NOTIFICATION CARD (NC) ng My Number na pinadala ng local municipality sa lugar ninyo meron itong kasamang application form para sa pagkuha ng My Number ID. Ang pagkuha ng My Number ID ay hindi sapilitan or mandatory. Kung sapat na ang NC na pinadala sa inyo na naglalaman ng My Number ninyo, walang magiging problem tungkol dito.


Ang NC ay isang papel lamang, at kung ito ay itatago mo or ilalagay mo sa iyong pitaka, madali itong malulukot or maaaring mapunit, kaya mas maganda kung ito ay mailalagay or mapapalitan ng My Number ID mismo.

Ang My Number ID na ito ay naglalaman ng mga personal information mo rin kapag nagkaroon ka. Kaya pwede mo itong magamit na identification card para sa mga lalakarin mong papel. Kung ang mga authority ay nagtanong sa iyo ng any identification card, pwede mo itong magamit o ipakita katulad ng Residence Card. Ito ang malaking advantage ng pagkakaroon ng My Number ID compare sa NC lang ang hawak ninyo.

Kung nais mong mag-apply nito, ipadala lamang sa envelop na kasama ang application form nito. By January 2016, ang inyong local municipality ay magpapadala muli ng notice kapag ready to pick-up na ang inyong My Number ID. Pumunta lamang sa lugar na binanggit nila dala ang notice na pinadala sa inyo para makuha ang inyong bagong My Number ID.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.